Chapter 40.

1.7K 39 1
                                    

Date Published: May 22, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Nandito pa rin ako sa kwarto ni Chad habang naka-upo sa kama at nakatingin sa cellphone ko dahil sa sunod-sunod ang pag-tunog nito.

Kaya naman tinitignan ko kung ano mayro'n at maraming nagco-comment sa mga videos ko na nagandahan daw sila sa gawa ko.

Marami ding nagla-like sa videos, Instagram, at Facebook page ko, at maraming nagsa-subscribe sa channel ko din.

Napatingin ako sa nag-message sa 'kin sa Instagram at agad nanlaki ang mga mata ko nang nabasa ko 'yon.

'Do you really think that we're not going to learn about this, Miss Guevarra? You're wrong.'

'We're going to do everything just to destroy you from everyone, you whore!'

'Sisirain namin ang buhay niyong mag-ama dahil sa 'yo ay hindi kami sinusunod ni Chadwick!'

'Yan ang nakalagay sa message.

Agad akong kinabahan at nanginig na ang mga kamay ko dahil sa mga nabasa ko. Napalunok ako ng laway sa kaba.

Napatingin ako sa nagbukas ng pintuan at nakita ko si Chad na may hawak na mug ng kape at agad kumunot ang noo niya nang tumingin siya sa direksyon ko.

"Something happened? Why do you look so stressed?" takang tanong niya at umupo sa kama.

"M-May nag-message sa Facebook page ko," kabado kong sagot. Inabot ko sa kaniya 'yong cellphone ko at tinanggap naman niya 'yon.

Inabutan niya ko ng kape at ininom ko naman 'yun.

"What the fuck?" galit niyang saad. Masama siyang nakatingin sa cellphone ko at may ginawa siya. May narinig akong tunog na para bang kumuha siya ng litrato.

"I'm going tell dad about this. I won't let them destroy your channel just because of their selfishness," mariing saad niya.

"Don't be scared anymore, sweetheart. Everything will be okay, I assure you," paniniguro niya sa 'kin.

"Hindi ako p'wedeng masira dahil madadamay ang Youtube channel ko. 'Yon ang pinagku-kuhaan namin ng kita talaga, Chad," sabi ko.

"I know. That's why I'm going to do something about this. Hindi ka nila magagawang siraan. Pinapangako ko 'yan," sagot niya.

"Pagkatapos mong uminom ng kape, maligo ka while I'm talking yo dad," sabi sa 'kin ni Chad. Tumango ako sa kaniya. Ginulo naman niya 'yung buhok ko.

"Dad said a while ago that you'll be having your OJT in our hotel," sabi niya sa 'kin. Nagulat ako dahil do'n.

"P-Pero nangako ako kay Skylene na sa hotel nila ako mag o-OJT," sabi ko naman sa kaniya.

"Don't worry. Dad said that i-isa lang naman ang hotel ng mga Mijares at Chainsell. So, magkasama pa rin kayo," sagot naman niya sa 'kin. Napatingin naman ako ng nagtataka sa kaniya.

"Hindi mo naintindihan, 'no?" Natatawa niyang tanong sa 'kin.

"Pinagmamay-ari din ng pamilya ni Lene ang hotel nila dad. Magka-partner kasi sa business ang pamilya ko, pamilya ni Sky, at pamilya ni Lene. Kaya nasa i-isang hotel pa rin kayo ni Lene," mahabang paliwanag niya sa 'kin. Tumango na lang ako kahit na wala pa rin akong masyadong naintindihan.

'Nakaka-inis naman 'tong hang-over na 'to tapos idagdag pa 'tong mga Lysander,' komento ko sa isip.

"'Wag kang magkunwari na may naintindihan kahit na wala," sabi niya sa 'kin. Napakamot na lang ako ng braso ko.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon