Chapter 15.

2.5K 53 1
                                    

Date Published: May 2, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

'Ano kaya ang gagawin ni ma'am? Hindi kaya siya mapahamak?' tanong ko sa isip ko.

Bumalik na sa loob ng lounge ang waiter habang pinipigilang umiyak at sinamahan naman siya ng iba pang waiter.

"What you did wasn't good, Scott. Sa tingin mo ba ay hindi ko nakikita ang ginawa mo?" mariing tanong ni Ma'am Cris.

Pinagpatuloy ko na ang trabaho ko habang pinapakinggan ang pinag-uusapan nila para hindi mangawit sa kakatayo ang mga customers.

"I can sue you for abusing my employee, Scott. Sasabihan ko ang nagmamay-ari ng restaurant para mapabagsak ka na," dugtong niya.

"W-Wait, Cris... Baka naman p'wede nating pag-"

"Save it, Scott. I'm so tired with your bullshits. Bakit ba dito kayo nanggugulo, huh? Sinisiraan niyo ba talaga ang restaurant namin?" tanong ni Ma'am Cris.

Hindi nakasagot ang mga lalaking naka-upo at napahinga ng malalim si Ma'am Cris at tumingin ng seryoso sa kanila.

"Umalis na kayong lahat dito bago pa ako tumawag ng pulis. Simula ngayon ay ban na kayo," seryosong saad niya.

Kaya naman pagalit na tumayo ang mga lalaki at naglakad na palabas ng restaurant at tumingin si Ma'am Cris sa lahat ng customers.

"Sorry po sa problema. Hindi na po mauulit 'to at ipapangako ko po 'yan," sabi ni Ma'am Cris.

"'Wag niyo na lang sila pabalikin pa dito dahil sa mauulit lang 'to kung hahayaan niyong bumalik sila dito." Tumango si Ma'am Cris sa isang babaeng customer.

"Kami na po ang bahala sa kanila. Banned na po sila dito simula ngayon," paniniguro ni Ma'am Cris at yumuko ng onti.

Kaya naman pinagpatuloy na namin ang mga trabaho namin ng payapa at tahimik.

•*•*•*•*•*

Tapos na ang shift ko at napahinga ako ng malalim dahil sa sobrang pagod ko ngayon. Naayos ko na din ang lahat ng mga dapat ayusin.

"Pasensya na sa problemang nangyari kanina," rinig kong saad ni Ma'am Cris. Napatingin kami sa direksyon nila.

"Okay lang po, ma'am. Pasensya na din po sa nangyari kanina," sabi ng waiter habang kinakamot ang buhok.

"Wala kang ginawang mali, okay? Pinatid ka n'ong Scoot na 'yon eh. Nakita ko 'yon sa CCTV at may plano ako tungkol diyan," sagot ni Ma'am Cris.

"Maraming salamat po, ma'am. Una na po ako para maka-uwi na po," sagot ng waiter. Tumango si Ma'am Cris at naglakad na palabas ang waiter.

Pumunta na ako sa lounge ara kunin na ang mga gamit ko para maka-uwi na din dahil gabi na.

~ NEXT DAY ~

Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na vibration ng cellphone ko sa kama at kinuha ko 'yon.

Tinignan ko kung anong oras na at napansin kong 6 AM na ng umaga. Dahan-dahan akong umupo sa kama at sumandal sa headboard.

Tinignan ko ang mga notification sa cellphone ko at nakita kong minention ako ni Ate Janine at tinignan ko 'yong video.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko dahil ito ang video sa restaurant at ito ang nangyari kahapon.

'Sino ang naglabas nito?' tanong ko sa isip ko.

"Anak? Kakain na," rinig kong saad ni papa.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon