Chapter 46.

1.7K 31 0
                                    

Date Published: May 29, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

Nandito si Skylene sa bahay nila habang nanonood ng balita kasama ng mga magulang niya at si Cris.

"Now I know why hindi ko ma-contact si Kiana kanina," komento ni Cris.

"Nagkulang kasi kami sa tao kanina at tatanungin ko sana si Kiana kung p'wede ba siyang humabol sa duty," paliwanag niya pa.

"Kaya naman pala nagma-madaling umalis si Chad kanina dahil sa may nangyari na pala," komento naman ni Skylene.

"I hope that Kiana is okay. Hindi ko inaasahan na kayang gawin 'to ng mga Lysander," komento ni Salafer.

"Totoo bang mga Lysander ang gumawa nito?" tanong ni Mrs. Mirajes. Bumuntong hininga muna si Salafer bago sumagot.

"Based kay Dwerick ay ang mga taga Levasque ang pumatay sa kaniya at kasabwat ang mga Lysander at Scott," sagot ni Salafer.

"Bakit nila ginawa 'to? Ano ang kasalanan ng mga Guevarra?" tanong ni Mrs. Mirajes.

"Ayaw sumunod ni Chadwick sa mga Lysander kaya 'yan ang nangyari. And besides, may issue ang mga Levasque, remember?" saad ni Salafer.

"''Yon po ba ang issue nila ng corruption at abused sa mga empleyado po nila, dad? Saka, tumakas din po siya sa kulungan, 'di ba?" tanong ni Slylene.

"Yes, 'yon nga. Marami nang nagsalita at marami nang nagbigay ng mga ebidensya laban sa mga Levasque," sagot ni Salafer.

"Dahil sa nangyaring issue na 'yon ay pabagsak na ang mga Levasque kaya kailangan nilang makipag-sabwatan sa mga Lysander at Scott."

"Once na mapilit nila na ipakasal si Chadwick kay Iris ay p'wede na silang makakuha ang mga ari-arian ng mga Chainsell - even their companies and money," dugtong pa ni Salafer.

"Grabe na talaga sila. Nakaka-inis naman 'yong ganiyan," komento ni Skylene at nalungkot.

"Sana naman ay makasuhan na ang mga 'yan para makuha ni Kiana ang hustisya sa pagkamatay ng ama niya," saad naman ni Cris.

"I know that Dwerick can do something about this. Alam kong hindi niya hahayaan na makatakas ang mga kriminal na 'yan," paniniguro ni Salafer.

Nanood na lang ulit sila ng tahimik at naghihintau ng bagong balota tungkol sa kaso.

KIANA

'Handa na ba ako para bukas?' tanong ko sa isip ko. Hinawakan niya 'yung kamay ko at napatingin ako sa kaniya.

"Don't worry. Makukuha mo na rin 'yung hustisya na gusto mo para sa papa mo," sabi niya sa 'kin. Napangiti ako sa kaniya.

Tumayo na ko mula sa kina-uupuan ko at pumunta sa pool area ng bahay nila Chad. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa 'kin.

"Nag-aalala ka na naman ng sobra," bulong niya sa 'kin. Niyakap niya ko mula sa likod ko.

"Hindi naman mawawala sa 'kin 'yun, sweetheart. Mas lalo na't hindi ako sanay sa ganito," sabi ko sa kaniya.

"Nasaan pala sila tito?" tanong ko sa kaniya.

"They're doing their best para makasuhan ang mga may kasalanan, of course. To be honest, you really need to be prepared," sabi niya.

"Hindi ko alam kung magiging handa ba ako bukas, sweetheart. Nakakatakot kasi," sagot ko naman sa kaniya.

"I know that everything will be okay. We're there at hindi ka namin iiwan mag-isa, okay?" Tumango ako sa kaniya at napangiti.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon