Chapter 1.

6.9K 104 0
                                    

Date Published: March 20, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA LEI GUEVARA

Bumabyahe kami ni papa mula sa probinsya papunta sa Manila. Simula kasi ngayong sem ay do'n na ako mag-aaral at do'n na rin magta-trabaho si papa.

Nakakuha kasi ako ng scholarship sa isang sikat na paaralan sa Manila. Natuwa nga ako nang nakuha ko 'yun eh. Hindi lang naman para sa sarili ko 'to kundi para na rin kay papa. Gusto kong mabuhay si papa nang masaya.

Sa CMF University ako mag-aaral. Kahit na puro mayayaman ang mga tao do'n ay wala akong pake basta makapag-aral lang ako ay okay na sa 'kin 'yun.

Balak ko din namang mag-working student kung may makukuha man akong trabaho doon pero magpapa-alam lang muna ako kay papa.

"Pa, baka naman po p'wede din akong mag-trabaho? Para matulungan din po kita," sabi ko sa kaniya.

"Anak, 'wag na. Kaya ko na 'to at mag-aral ka na lang dahil ayokong mahirapan ka dahil diyan," sabi niya sa 'kin.

"Pero, paano po 'yong mga gastos? Ayoko naman pong ikaw lang ang nagta-trabaho dito, papa," komento ko naman at napabuntong hininga siya.

"Sige na nga. Kung may nakita kang madaling trabaho ay 'yon ang kunin mo. Siguraduhin mo lang na kaya mong pagsabayin," paalala niya.

"Sige po, pa. Naiintindihan ko po 'yon," sagot ko. Hinalikan niya ako sa noo ko at ngumiti.

Hindi ako makapaghintay at dapat kong ihanda na ang resumé ko para mamaya, para bukas ay makapag-hanap na din ako ng trabaho pagkatapos ng klase.

"Handa ka na ba para bukas, anak?" tanong sa 'kin ni papa. Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot at tumango.

"Alam ko namang kaya mo 'yan anak. Ikaw pa," sabi ulit ni papa sa 'kin at niyakap ko siya.

"Papa, pagbubutihan ko po talaga para sa 'yo. Gusto ko po kasing maging maganda din ang buhay natin eh," sagot ko sa kaniya.

"Tama nga ang mama mo no'ng bago siya mamatay. Marami ka ngang pangarap sa buhay," sabi sa 'kin ni papa. Naramdaman ko naman na huminto na 'yung sinasakyan naming jeep.

"Nandito na pala tayo, anak," sabi ni papa at bumaba na kami. Napatingin naman ako sa paligid at nakita kong ibang-iba 'to sa probinsya namin.

Sa probinsya kasi namin ay puro halaman, walang usok, walang mga sasakyan – pero may sasakyan naman pero hindi tulad dito na punong-puno na ng mga sasakyan.

"Tara na anak," sabi sa 'kin ni papa at naglakad na kami papunta sa titirhan naming bahay.

Pagkadating namin do'n ay agad kaming pumasok at binaba ko naman 'yung mga hawak kong bag.

"Pa, magkano po bayad niyo dito?" tanong ko. Umupo ako sa sofa para makapag-pahinga na muna.

"2,500 pesos ang bayad dito kada buwan. 4th year college ka na rin naman kaya kinuha ko na," sagot sa 'kin ni papa. Pero ang mahal pa rin n'ong 2,500 pesos na kada buwan.

"Kasama na po ba 'yung tubig at kuryente sa 2,500 na 'yun?" tanong ko ulit sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim.

"'Yung tubig lang ang kasama do'n, anak. 'Wag kang mag-alala, akong bahala sa mga gastusin natin," sagot sa 'kin si papa at tumabi sa 'kin.

"'Pag nakapag-tapos ka na ng pag-aaral, giginhawa din ang bubay natin," sabi niya sa 'kin at niyakap ako. Napangiti ako dahil sa sinabi niya.

Si papa lang ang nagbibigay ng lakas ko para gawin ang lahat ng makakaya ko para guminhawa lang ang buhay namin.

"Tutulong po ako sa inyo, pa. Maghahanap po ako ng sarili kong trabaho bukas. Iha-handa ko lang po ang resume ko," sabi ko.

"Sige, anak. P'wede kang mag-ikot-ikot dito sa labas para hindi ka maligaw sa susunod." Tumango ako habang nakangiti.

"Opo, pa. Naiintindihan ko po 'yan," sagot ko. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko para kunin na ang resume ko para maihanda na 'yon.

•*•*•*•*•*

Nandito na ako sa labas ng bahay namin at naglalakad para makapag-ikot na. Gusto ko din namang makita ang buong lugar para hindi ako maligaw sa susunod.

Habang naglalakad ay hawak-hawak ko din ang resumé ko para kung may makita man akong computer shop ay makapagpa-photo copy ako ng resumé ko.

Pinagpatuloy ko lang 'yong paglalakad hanggang sa makakita ako ng computer shop para magawa na ang dapat kong gawin.

~ NEXT DAY ~

Ito na 'yung araw ng pasukan. Kasalukuyang nag-aayos ako ng gamit para sa mga magiging klase ko mamaya. Si papa naman ay nagluluto ng makakain namin ngayong umaga.

Pagkatapos kong ayusin 'yung mga gamit ko ay lumabas na ko mula sa kwarto ko.

"Good morning pa," Bati ko kay papa na nagluluto pa rin ng kakainin namin. Binaba ko sa sofa yung gamit ko at umupo sa hapagkainan.

"Good morning din anak. Tamang-tama. Luto na yung kakainin natin." Sabi sa 'kin ni papa at pinaghandaan na niya ko.

Pagkatapos niyang maghanada ay kinain ko 'yung pagkain. Si papa naman ay umupo sa harapan ko at nagsimula na ring kumain.

"Anak, mag-ingat sa eskwelahan. Alam mo naman 'yung mga lalaking taga Manila, mga mapagsamantala," pagpapaalala sa 'kin ni papa.

"Opo, pa. Wag ka pong magalala. Hindi po ako makikipag kaibigan sa mga lalaki kahit na gwapo po sila at mukhang anghel," sagot ko at ngumiti si papa.

"Mabuti na lang at mabait ang anak ko," sabi ni papa at bumalik na siya sa pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na kami at umalis na ng bahay. Hinatid ako ni papa papuntang school dahil gusto niya daw makita ito.

"Tawagan o i-text moa ko 'pag may problema ah," sabi sa 'kin ni papa at tumango ako.

"Oh, sige. Nandito na tayo. Mag-ingat at sana magkaroon ka rin ng mga bagong kaibigan," sabi sa 'kin ni papa at naglakad siya paalis. Ako naman ay napatingin sa gate at hindi ako nakalad agad.

Kinakabahan ako. Ngayon lang ulit ako kinabahan ng ganito. Alam kong maraming hindi tatanggap sa 'kin dito at alam ko ring maraming mang bu-bully sa 'kin dito.

At wala akong oras para pansinin sila dahil nandito ako para sa mga pangarap namin ni papa at para sa mga pangarap ko na rin.

Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob. Napatingin-tingin ako sa paligid nang naka-pasok na ako. Maraming tao, sasakyan at marami ring mga nakatambay dito sa lobby ng paaralan.

Naglakad na ulit ako at inikot 'yung lugar. Kahit na ito pa lang 'yung unang beses na nakapunta dito ay inikot ko na agad para sa mga susunod na araw ay hindi na ko maligaw pa.

Nang may nakita akong announcement board ay agad ko 'yun tinignan at binasa.

Pagkabasa ko sa announcement board ay do'n ko lang nalaman na tama pala 'yung pinuntahan kong building dahil ito 'yung building na para sa mga HRM students.

Inikot ko ulit 'yung building at nang may nakita akong orasan ay napatingin agad ako sa schedule ko.

'9 AM pa ang oras ng klase ko,' sabi ko sa isip ko nang nakita kong 8 AM pa lang.

Tinignan ko 'yung room number at pumunta ako do'n. Nang sinilip ko 'yung room na 'yun ay nakita kong wala pang tao doon kaya tumambay na lang ako sa tapat nito.

Habang nag hihintay ay lumilingat ako sa paligid dahil baka may dumating na ibang tao p'wede kong kaibiganin.

Nang titignan ko na sana ulit yung room ay hindi ko na pansin na may mababangga pala ako kaya naman...

"Aray!"

••••• END OF CHAPTER 1. •••••

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon