Chapter 41.

1.5K 33 0
                                    

Date Published: May 22, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Nabyahe pa din si Chadwick papunta sa kompanya ng mga Lysander at pilit na pinapakalma ang sarili para hindi siya mapahamak.

Habang nagda-drive ay narinig niyang tumunog ang kaniyang telepono kaya naman sinagot niya kung sino ang natawag sa kaniya.

'I wonder who this is now?' tanong niya sa isip niya.

"Hello?" pag-sagot ni Chadwick sa tawag.

"Sir, nandito na naman po 'yong mga lalaking nanonood sa mag-amang Guevarra," saad ni London.

"Inform Eiffle and Paris and eliminate those bastards immediately," sagot ni Chadwick.

"Sige po, sir. Masusunod," sagot ni London. Agad binaba ni Chadwick ang telepono at pinagpatuloy na ang pagda-drive.

•*•*•*•*•*

Dito sa tapat ng bahay ng mga Guevarra, nandito sila London, Paris, at Eiffle habang nagtatago at pinapanood ang mga lalaki.

"Mayro'n ba akong maitutulong sa inyo, mga iho?" Nagulat sila nang narinig nila si Manang Connie.

"Pasensya na kung nagulat ko kayo, mga iho," sabi ni Manang Connie.

"P'wede po bang pumunta kayo sa bahay ng mga Guevarra? Alam namin ay aalis sila 'pag lumapit po kayo sa bahay nila," sabi ni Paris.

"Sige, mga iho. Ako ang bahala basta ligtas sila Kiana," sagot ni Manang Connie. Kaya naman lumapit na siya sa bahay ng mga Guevarra at kumatok sa pintuan.

Tulad ng inaasahan ay umalis ang mga lalaking nakapalibot sa bahay ng mga Guevarra kaya naman sumunod na sila Eiffle para patayin ang mga 'yon.

CHADWICK

Padabog kong sinara 'yung pintuan ng opisina ng walang kwenta at agad ko siyang nakita na prenteng naka-upo sa kina-uupuan niya.

"What the hell did you do?" kalmado pero malamig kong tanong sa kaniya.

"Kapag sinabi kong gawin mo, gawin mo. Kung ayaw mong mawala ang mga taong nasa paligid mo," sabi niya sa 'kin. Napasara ako ng kamao ko.

"I think, hindi mo naiintindihan ang mga nangyayari ngayon. I am not your son kaya you don't have the right to do this," sabi ko ng seryoso sa kaniya.

"Sa mata ng lahat, you're still one of the Lysnder!" galit niyang saad sa 'kin. Napangisi naman ako dahil sa kaniya.

"I am Chadwick Chaze CHAINSELL. I am the one and only heir of the Chainsell Territory. Nasaan ba diyan ang hindi mo maintindihan?" malamig kong saad sa kaniya.

"Sa mata ng lahat ay isa na akong Chainsell at HINDI Lysander!" dugtong ko pa. Narinig kong bumukas ang pintuan ng opisina.

"P'wede kitang ipa-demanda ng kidnaping for taking our son away from us, Mr. Lysander," napatingin ako sa direksyon ng boses at nakita ko si dad.

"Wala na sana kaming planong ipa-demanda ka at kalimutan na lang ang lahat pero sa ginagawa mo 'to ay pinipilit mo kami."

"Hindi mo p'wedeng gamitin ang anak ko para magawa mo ang mga gusto mo. Mr. Lysander, ano ba talaga ang hindi mo maintindihan sa anak ko ang batang 'to?" Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi ni dad.

Hanggang ngayon bata pa rin ang turing niya sa 'kin kahit na binata na ko at alam ko na ang dapat kong gawin. Pero napangiti pa rin ako dahil ito ang unang beses na naramdaman ko na may pamilya ako.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon