Chapter 31.

1.9K 44 0
                                    

Date Published: May 15, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

~ SATURDAY ~

Ito na ang araw na gagawin namin ni Skylene ang project para sa isa naming subject. Kasama namin sila Karl at buma-byahe na papunta sa restaurant.

Naka-akbay sa 'kin si lalaking masungit at hinayaan ko lang siya dahil sa kahit pagsabihan ko naman siya ay hindi naman siya makikinig.

Si Stefen ang nagda-drive ng sasakyan, si Karl naman ay nasa pasenger seat, si Jon ay nasa likod namin kasama sila Skylene at Skylar.

"Karl, nag-message pala sa 'kin si tita no'ng isang araw, binigyan niya ako ng picture ng sala niyo," pag-kuwento ko.

"Gusto niyang gumawa ako ng miniature ng sala niyo. Gusto ko sanang mag-reply na uumpisahan ko siya bukas nang wala na akong data," dugtong ko.

"Sige, ako na lang ang bahalang magsabi kay mom tungkol diyan. Maiintindihan naman niya - mas lalo na kung mahal ang load na pang-data," sagot niya.

"Salamat. Naayos ko na din naman lahat ng materials na gagamitin ko para sa commission at bukas ako magsisimula sa mismong paggawa," sabi ko naman.

"Sinabihan ko si mom tungkol sa Youtube Channel mo, Kia. Mahilig kasi siya sa mga ganiyan at no'ng napanood niya ang mga videos mo ay ina-araw-araw na niya ang panonood," pag-kuwento ni Jon.

"Nag-monthly subscription pa nga siya sa Patreon mo eh. Nagtatanong din siya kung may merch ka ba," dugtong niya.

"Mayro'n akong merch pero puro t-shirt at keychain pa lang ang mayro'n. Saka mga one to two weeks ang hihintayin dahil ako lang ang nagta-tahi eh," sagot ko.

"Gano'n ba? Sige, sabihan ko siya para alam niya," sagot ni Jon.

"Gusto ko 'yong Ferris Wheel na ginawa mo, Kia. Sobrang ganda ng pagkaka-gawa mo doon kahit na hindi pa tapos," komento naman ni Stefen.

"I remember that. 'Yon 'yong nilagyan niya ng artificial flowers, 'di ba?" tanong ni lalaking masungit.

"Yep, 'yon nga," sagot ni Stefen.

"Nagustuhan niyo pala 'yon? Napag-tripan ko lang 'yon dahil sa may nakita akong picture sa internet kaya nag-try akong gumawa," sagot ko.

"Saka Skylene, ang sarap ng mga niluluto mo. Nagco-commission ka din ba sa mga cakes?" tanong ni Stefen.

"Oo. Kaso, dapat by reservation 'yon para alam ko kung kailan ko gagawin o bibili ng ingredients," sagot ni Skylene.

"Gusto ko sanang bilhan si mom ng cake para sa birthday niya next month. P'wede ba?" tanong ni Stefen.

"Oo nga, 'no? Malapit na nga pala ang birthday ni tita," komento ni Skylar.

"Sige ba. Anong cake ang gusto mong gawin ko? Para mai-list ko na sa mga special reservation lists ko," sabi ni Skylene.

"May alam ka bang cake na ube flavor? Wala kasi akong alam kaya baka may idea ka tungkol diyan," sagot ni Stefen.

"Mayro'n akong alam! Pero mahal nga lang dahil sa mahal din ang ingredients na gagamitin ko doon," sagot ni Skylene.

"Sige. Okay lang sa 'kin lang 'yon. Sabihan mo na lang ako kung magkano para makapagbayad ng downpayment," sagot ni Stefen.

Tuwang-tuwang kinuha ni Skylene ang cellphone niya at may nilagay doon. Napatingin ako kay lalaking masungit dahil ramdam ko ang pagtitig niya sa 'kin.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon