Chapter 37.

1.6K 34 0
                                    

Date Published: May 19, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

~ AFTER ONE MONTH ~

KIANA

Ito na 'yung last day of school namin. Kaya talagang nagsusunog na ko ng kilay para lang makapasa sa mga final exams.

Nasa classroom kami ngayon ni Skylene at naghihintay magsimula ang exam. Habang nahhihintay ay tinuturuan ko ang mga kaklase ko.

Binayaran nila ako for tutorial ngayon kaya naman tinuturo ko sa kanila ang lahat ng mga dapat nilang malaman ngayon.

Habang nagtu-turo ay biglang dumating si ma'am sa loob ng classroom at napatingin sa 'min dahil sa ginagawa namin.

"Sige, tapusin niyo muna ang review niyo then, doon tayo magsisimula, okay?" Tumango kaming lahat at lumabas siya mula sa classroom.

Kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagtu-turo sa lahat ng mga kaklase ko para lahat kami ay makapasa at makapag-OJT na next sem.

•*•*•*•*•*

Nagsisimula na kaming mag-exam at binibigay na sa 'min ang mga papel. Pagkakita ko sa exam ay agad akong napangiti.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nadadalian ako sa exam mula sa isang tingin pa lang.

"You may now start answering your exams. One hour begins now," sabi ni ma'am sa 'ming lahat. Nagsimula na kaming mag-sagot.

Napag-aralan ko na 'to ng buong magdamag kagabi kahit na ginugulo ako ni Chad sa text. Tapos nai-review din ako kanina habang tinuturuan ang lahat.

Nagsimula na akong sumagot at tulad ng inaasahan ay napaka-daling sagutin ng mga tanong.

•*•*•*•*•*

Nang tapos ko na 'yung exam ay pinasa ko na 'yung papel ko at tinignan 'yun ni ma'am. Binasa ni ma'am 'yung mga sagot ko at napatingin siya sa 'kin. Nginitian ko naman siya dahil do'n.

"Alam ko na kung bakit ikaw ang kinuha ng dean bilang official tutor para sa sem na 'to," nakangiting komento niya sa 'kin.

"Ako na ang magsasabi sa 'yo iha, pasado ka na," seryosong sabi sa 'kin ni ma'am at natuwa ako. Napa talon-talon ako sa tuwa at napatigil na lang ako nang napansin kong nakatingin na sa 'kin lahat ng mga kaklase ko.

"Ma'am tapos na rin po," sabi ni Skylene pagkalapit niya sa pwesto namin. Tinignan din ni ma'am 'yung papel ni Skylene.

"I'm very happy for you Miss Skylene. Kung dati hanggang pasang awa ka lang pero ngayon nakaka-perfect score ka na," sabi ni ma'am kay Skylene.

"Sa bagay, mas magandang impluwensya para sa 'yo si Miss Guevarra kaysa sa barkada ni Miss Scott," dugtong pa ni ma'am. Napatingin sa 'kin si Skylene at niyakap ako.

"Good influence po talaga ang best friend ko ma'am," nakangiting sabi naman ni Skylene sa 'min.

"'Yong mga nagpa-tutorial kanina? Nadalian ba kayo at nakinig?" tanong ni ma'am sa mga estudyanteng tinuruan ko kanina.

"Madali lang po, ma'am! Magaling po tutor naming lahat eh! Worth it po 'yong bayad naming five thousand pesos bawat session, ma'am!" Sagot ng lahat at natawa si ma'am.

"Dahil diyan, may plus points ang mga naka-perfect dito sa exam na 'to. Regalo ko na sa inyo 'to," pag-deklara ni ma'am.

"Kapag hindi naka-perfect dahil hindi nagpa-tutorial kay Miss Guevarra o kaya hindi nag-review, pasensyahan na lang at bagsak talaga kayo," dugtong niya pa.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon