Chapter 21.

2.1K 53 0
                                    

Date Published: May 8, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si papa kaso, hindi naman siya nasagot. Kaya mas lalo akong nag-alala dahil baka siya naman ang inatake ni Mr. Levasque.

Nagulat ako nang dumating bigla si lalaking masungit sa computer shop at nilapitan ako na mukhang nag-aalala.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong.

"Skylene informed me that someone's following you. May binilhan lang sana ako sa labasan nang sinabihan niya ako," paliwanag niya.

"T-Thank you..." Ngumiti siya sa 'kin at tumingin sa lalaking nagbabantay sa computer shop.

"Thank you po kuya sa pag-protekta sa kaniya," sabi ni lalaking masungit.

"Walang anuman. Gano'n din naman ang gagawin ko kapag nangyari 'yan sa kapatid ko eh," sagot ni kuya sabay tingin sa babaeng katabi niya.

"Ako na po ang bahalang magpa-ayos sa computer shop niyo bilang pasasalamat." Nagulat ako sa sinabi ni lalaking masungit.

"M-Maraming salamat po, sir," nakangiting saad ni kuya at napangiti na lang din ako. Doon ko lang napansin na may sira nga ang computer shop.

'Mabait naman pala si lalaking masungit kahit paano,' komento ko sa isip.

"Maraming salamat po ulit, kuya. Una na po kami at pasensya sa istorbo," sabi ko naman.

"Maraming salamat din po," sagot niya at naglakad na kami paaalis ni lalaking masungit para maka-uwi na.

•*•*•*•*•*

Naglalakad na kami ni lalaking masungit pauwi at napatingin ako sa direksyon niya.

"Salamat," sabi ko. Napangiti naman siya ng onti.

"No problem. I wamt you to be safe but, what happened?" tanong niya naman sa 'kin.

"Nakita ko si Mr. Levasque sa restaurant at nakilala niya ako. Hindi naman ako nanlaban at tinawag ang manager namin," sagot ko.

"Hinarap siya ng manager namin at dumating ang mag-asawang Chainsell para paalisin si Mr. Levasque at umalis naman siya ng galit na galit," pag-kuwento ko pa

"I see... That happened a while ago, huh?" Tumango-tango siya habang nakatingin sa dinadaanan namin.

"Nag-aalala lang ako sa customer at ka-trabaho kong prinotektahan ako kanina. Baka kasi balikan sila eh," komento ko.

"I know that he can't." Nagtaka ako sa sinabi niya. Napatingin ako ulit sa kaniya habang nakakunot ang noo.

"The Chainsell's are involved. Malaki ang galit nila sa mga Levasque at sa mga kaibigang pamilya nito," saad niya.

"Dahil ba 'to sa business?" Tumango siya at napabuntong hininga na lang.

"Nah-aalala ako kay papa. Paano kung siya naman ang tinarget ni Mr. Levasque? Hindi pa naman siya nasagot kanina," nag-aalala kong sagot.

"Maybe, there's no signal, grumoy girl. O kaya baka lowbat o kaya walang load," saad niya para lang pakalmahin ako.

"Okay. Baka nga ay tama ka diyan," sagot ko naman. Nakarating na kami sa bahay at binuksan ko ang pintuan ng bahay.

Natuwa ako nang nakita ko si papa na nakabihis paalis habang nakatingin sa cellphone na naka-charge.

"Pa!" Yumakap ako sa kaniya at doon na lumabas ang lahat ng emosyon ko. Hinaplos niya naman ang buhok ko ng marahan.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon