Chapter 3.

3.7K 75 0
                                    

Date Published: April 3, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

"Go with me. We're going to the student council office," sabi niya sa 'kin at hahawakan na niya sana ako nang bigla akong hinila palayo ni Skylene.

"Anong gagawin mo sa kaibigan ko, ha? Kilalang-kilala kita Mr. Lysander," seryosong sabi sa kaniya ni Skylene.

"Don't worry. She's a scholar and she needs to assist all of the members of the student council," sagot naman n'ong lalaki.

"She's not even my type so, why am I going to do something to her?" tanong niya pa kay Skylene.

'Hindi ko din naman siya type. Pare-parehas lang naman sila,' komento ko sa isip ko.

"Sasama ako para makasiguro lang na wala kang gagawin sa best friend ko," sabi ni Skylene. Sinamaan naman siya ng tingin n'ong lalaki at bumuntong hininga.

"Just be thankful that you're the girlfriend of my best friend," sabi n'ong lalaki at nagsimula na siyang naglakad. Napatingin naman ako kay Skylene.

"Sino siya?" tanong ko sa kaniya.

"He's Chadwick Chaze Lysander - the one and only heir of the Lysander group. He's a rebel and a trouble maker," sagot niya sa tanong ko.

"Lets go," sabi ni Skylene sa 'kin at nagsimula na kaming sundan 'yung lalaki kanina.

~ STUDENT COUNCIL OFFICE ~

Nandito na kami sa office ng student council at pagkapasok namin ay agad may sumalubong na isang lalaki at niyakap niya si Skylene.

"Honey, ano ginagawa mo dito?" tanong niya kay Skylene.

"Honey, sinasamahan ko lang kaibigan ko. Alam mo namang delikado best friend mo pagdating sa mga babae," sagot ni Skylene sa kaniya. Tumingin naman sa 'kin 'yung lalaki at ngumiti.

"Hi. I'm Skylar Nate Fortalejo," sabi n'ong lalaki at inilahad niya 'yung kamay niya sa 'kin. Kinuha ko naman 'yun at nakipag-shake hands sa kaniya.

'Lahat pala sila ay galing sa mayayamang pamilya,' komento ko sa isip ko.

"Miss Guevara, you are here today because you're a scholar. And scholars are required to assist us here in the office," sabi n'ong masunget na lalaki.

"Ikaw 'yung president?" tanong ko sa kaniya. Napatingin naman sa 'kin 'yung mga estudyanteng nandito. Hindi ko alam kung bakit pero gulat na gulat sila sa 'kin.

'Nakakita ba sila ng multo kaya ganiyan ang reaksyon nila?' tanong ko sa isip ko.

"No one dares to talk back to him," sabi ni Skylar. Bakit naman wala? Paano kung may tanong edi, hindi na sila magtatanong pa?

"But she's not talking back at him," sagot naman ni Skylene kay Skylar.

"Nagta-tanong lang siya. And, mas okay na 'yon kaysa naman sa magkamali siya at magalit na naman nang wala sa lugar ang kaibigan mo," dugtong niya pa.

"Mas okay na 'yung nagtanong siya kaysa naman sa pag-initan siya ng best friend mo dahil sa katangahan din niya," sabi pa ni Skylene. Hinila na siya palabas ni Skylar dahil do'n.

"Girls are too annoying. Tsk," sabi n'ong lalaking masunget. Umupo ako sa upuan.

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanila.

"Don't you know the meaning of the word ASSIST?" asar na tanong naman n'ong lalaking masunget. Kinuha ko 'yung unan na nasa tabi ko at binato 'yun sa kaniya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon