Chapter 30.

1.9K 34 0
                                    

Date Published: May 15, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Nandito sila Eiffle at ang ibang kasamahan nito sa labas ng bahay nila Kiana at binabantayan ang si Mr. Guevarra dahil sa day-off nito ngayon.

Habang nagbabantay ay kumakain sila ng tinapay at may kape silang dala na tinipla ni London kanina bago umalis.

"Gusto niyo ba ng kape, mga iho? Mayro'n naman ako dito," sabi ni Manang Connie.

"Nako po, manang. 'Wag na po. Ayos lang po dahil mayro'n na po kaming hinandang kape kanina bago umalis," magalang na sagot ni Eiffle.

"Alam kong inutusan kayo ng sino man na bantayan ang mga Guevarra at tama ang desisyon ng taong 'yon," sabi ni Manang Connie.

"Ano po ang ibig niyong sabihin, manang?" tanong ni Paris.

"Tuwing umaalis ang mga Guevarra para pumasok sa trabaho at eskwelahan ay may umaaligid na mga lalaki sa kanila na hindi ko kilala," pag-kuwento ni Manang Connie.

"Sinasabi ko sa tatay ni Kiana pero ayaw niyang maniwala at binebale-wala niya lang. Hindi ko naman masabi kay Kiana dahil minsan ko lang siya naaabutan."

"Minsan nga ay iniisip ko baka tauhan 'yon ng sendor na 'yon dahil sa nakatakas ito mula sa kulungan kaso, hindi ako sigurado," dugtong niya pa.

"Gano'n po ba? Kami na po ang bahala sa mga lalaking 'yon, manang. Salamat po sa pagsabi sa 'min niyan," sagot ni Eiffle.

"Kailangang malaman ni boss ang tungkol dito at baka mapahamak sila Ma'am Kiana dahil doon," komento ni London.

"Ako na ang tatawag kay boss para malaman niya," pag-deklara ni Paris at tinawagan na niya si Chadwick.

KIANA

Dahil sa wala pa din si ma'am dahil sa nag-aaral siya para sa Master's Degree niya ay nakatambay lang kami ni Skylene sa classroom.

Wala ang iba naming mga kaklase dahil sa wala namang klase. Kaya naman pinagpatuloy ko na lang ang pagta-tahi sa manika.

Wala namang may gustong mahpa-tutor dahil sa na-discuss ko na ang lahat last week pa kaya naman nakapagpahinga ako ngayon.

"Mabuti na lang at nakabili na ako ng laptop na brandnew at tinulungan ako ni masungit na lalaki sa pagpili kaya mas madali na ang pag-edit," komento ko habang nagtatahi.

"Masaya akong malaman na nakabili ka na ng laptop, Kia. At least, p'wede mo nang bawasan ang mga naka-download na apps sa cellphone mo," sabi ni Skylene.

"'Yon nga eh. Nabura ko na nga kanina 'yong mga apps na hindi ko na kailangan para at least, lumaki ulit ang storage," sagot ko.

"Na-download mo na ba ang app na tinutukoy ni Chadwick kahapon? 'Yong Create Videos?" Umiling ako.

"Hindi pa nga eh. Pero, ida-download ko na ngayon para lang matignan 'yon at baka madagdagan pa ang ipon gamit 'yon," sagot ko.

"Nai-download ko na siya kahapon at madali lang siyang gamitin. May nai-post na akong videos at naka-kuha na agad ako ng fifty pesos," saad niya.

"Tignan ko nga mamaya para matignan kung ano ang gagawin kong strategy sa pag-post," sagot ko naman at tumango siya.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Hindi ka ba talaga sinaktan ng Lysander na 'yon?" tanong niya at tumango ako.

"Oo. Agad lumapit si Ma'am Cris sa 'kin at pinagtanggol ako eh. Kaya hindi ako nasaktan," paniniguro ko.

"Mabuti naman kung gano'n. Dahil kung sinaktan ka niya talaga ay susuntukin ko siya 'pag nakita ko," komento niya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon