Chapter 45.

1.8K 35 0
                                    

Date Published: May 29, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Nabyahe pa-uwi ang mag-awasang Chainsell habang nagda-drive si Paris at agad hinawakan ni Charmina ang kamay ni Dwerick.

"Kumusta si Kiana? Is she okay?" nag-aalalang tanong ni Charmina. Bumuntong hininga naman si Dwerick sa kaniya.

"Based on Chadwick, she's not okay, hon. She's crying so hard dahil sa pagkamatay ng ama niya," sagot ni Dwerick.

"Nahuli ba 'yong pumatay?" tanong ni Charmina.

"Opo, ma'am. Nahuli po namin siya bago pa po siya magtagumpay sa pagtakas kanina," pagsingit ni Paris.

"Dinala na po namin siya sa mga pulis at ang kaibigan niyo na daw po ang bahala sa kaniya para hindi makatakas dahil sa mga Levasque at hinahanap din po nila si Mr. Levasque para maikulong ulit," dugtong niya pa.

"Mabuti naman kung gano'n. Hindi dapat makatakas ang kriminal na 'yon para may ebidensya tayo laban sa mga kalaban," sagot ni Charmina.

"Sila Renshel na ang bahal doon at alam kong hindi magpapatinag ang mga 'yon dahil sa malakas sila kaysa sa mga Levasque," sabi ni Dwerick.

"Sabi po pala ni Sir Renshel ay sila na daw po ang bahalang magbantay sa lalaki at sisiguraduhin na walang mangyayari sa kaniyang masama," paniniguro ni Paris.

"Nandoon din po sila Eiffle para magbantay din para lang makasiguro na hindi makakalusot ang mga kalaban," dugtong niya pa.

"Okay, sige. Mas maganda nga ang gano'n," pagsang-ayon ni Dwerick at tumahimik na silang tatlo.

•*•*•*•*•*

Dito sa estasyon ng pulis ay binabantayan nila Eiffle ang buong estasyon para lang makasiguro na hindi magagalaw ng mga kalaban ang lalaking nahuli nila kanina.

Habang nagbabantay ay may lumabas na isang lalaking naka-uniporme ng pang-pulis at naglakad palapit sa kanila.

"Here, pasensya na at ito lang ang p'wede kong ibigay for now," sabi nito at nag-abot ng kape. Tinanggap naman nila Eiffle.

"Salamat po, Sir Renshel. Ayos lang 'to dahil nakakain na din naman kami," sagot ni London.

"Sige, tawagin ka na po namin kung may napansin kaming kakaiba dito," saad naman ni London at bumalik na sa loob ng estasyon si Renshel.

•*•*•*•*•*

Nandito si Zack sa bahay nila at mag-isa habang nanonood ng balita sa telebisyon nang may narinig siyang nagbukas ng pintuan.

"Who's that?" tanong niya sa sarili. Agad niyang kinuha ang cellphone at tumakbo paakyat ng pangalawang palapag ng bahay para magtago doon.

"Hindi naman uuwi si kuya ngayon kaya alam kong hindi siya 'yon," bulong niya pa sa sarili. Agad niyang tinawagan ang kapatid nang nakapasok na siya sa loob ng kwarto.

"Hello? Bakit ka tumawag?" tanong ng kapatid.

"Kuya, help... Someone managed to get in the house. Baka tauhan ni dad 'yon," sagot agad ni Zack.

"What? Okay, stay where you think is the safe place for you. I'll call the police then, I'll go there. Alright?"

"Yes, kuya. Thank you," sagot ni Zack. Agad siyang nagtago sa ilalim ng kama at hinintay ang mga pulis at ang kapatid niya.

CHADWICK

Nakahiga kami ni Kiana sa kama ko habang siya natutulog na naman. Kanina pa siya iyak ng iyak kaya pinainom ko muna ng sleeping pills para naman at least, magiging okay siya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon