Chapter 39.

1.6K 35 0
                                    

Date Published: May 22, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Hinihintay kong bumalik si Chad habang nakatingin sa labas at nagulat na lang ako dahil sa biglang may malamig na bagay mula sa leeg ko at nakita kong kwintas 'yun.

Mayro'n itong disenyong infinity at may bato ito sa bandang gitna at mayro'n ding letter K. Ang ganda naman ng kwintas na 'to. Napatingin ako kay Chad dahil do'n.

"Ano ba? Nagulat ako dahil sa 'yo," sabi ko sa kaniya sabay hampas. Natawa naman siya sa 'kin.

"I bought that before for you. Customized 'yan kaya may letra sa gitna," sabi niya sa 'kin.

"To be honest, dapat last month ko pa ibibigay sa 'yo 'yan kaso, nawala ako, 'di ba?" Tumango ako sa kaniya.

"So, ngayon ko lang naibigay. I hope that you like it," dugtong niya pa.

"Nagustuhan ko naman siya, sweetheart. Hindi naman mahal 'to, 'di ba?" Natawa siya ng mahina dahil sa sinabi ko.

"Nope. It only costs three hundred. I know that it's cheap but at least, hindi siya mamahalin at hindi ka mahihiyang tanggapin 'yan," komento niya.

"Tama ka diyan. Hindi naman siya gano'n ka-mahal pero, 'pag hindi ako nagta-trabaho ay mahal na 'to sa 'kin," sagot ko.

"Do you want to have a drink and talk?" tanong niya sa 'kin. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Kinuha ko 'yung baso na hawak niya at umupo sa sahig. Tumabi naman siya sa 'kin.

"Kapag hindi mo na kaya just tell me," sabi niya sa 'kin at tumango ako. Nilagyan na niya ng alak 'yung baso ko at ininom ko na 'yun.

•*•*•*•*•*

"So, hindi ka pag nagka-girlfriend, huh?" Tumango siya sa 'kin.

"Yeah, I told you... I'm busy looking for my real parents kaya wala akong time for having a relationship. And besides, hindi naman sila magugustuhan ng mga Lysander na 'yon," sagot niya.

"Nakakatakot ang ibang mayayaman. Hindi ko alam kung ano ang mga nasa isip nila at hindi ko inaasahan kung ano ang gagawin nila," komento ko.

"Yeah, you have a point there. Even me, I'm afraid because I don't want to lose you. Kasi alam kong hindi titigil ang mga Lysander hangga't hindi nila nagagawa ang gusto nila," sabi niya.

"Alam naman nilang anak ka ng mga Chainsell, 'di ba? Pero bakit ginugulo ka pa rin nila?" tanong ko.

"Because of money. Gusto nila akong ipakasal kay Iris para makuha ng mga Scott ang mga ari-arian ng mga Chainsell then, they're going to give it all to the Lysander," paliwanag niya.

"Kaya hindi ako pumayag at kahit na anong mangyari ay hinding-hindi ako papayag sa gusto ng mga Lysander," dugtong niya pa.

"Paano kapag may ginawa sila kay papa?" nag-aalala kong tanong.

"Sweetheart, trust me. I won't let them do something to your father. I'll protect him and you, okay?" paniniguro niya.

"I trust you, sweetheart. Ayokong masaktan at mawalan," bulong ko at hinalikan niya ako sa noo ko.

"Don't worry, everything will be okay. I'll make sure of that," paniniguro niya pa at uminom na ulit kaming dalawa.

CHADWICK

Napatingin ako kay Kiana at nakita kong hindi na niya kaya, kaya naman binuhat ko na siya at pinahiga sa kama ko.

"Sweetheart, dito ka lang," sabi niya sa 'kin. Hinawakan niya ko sa leeg at hinala ako para mahalikan niya ko.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon