Chapter 22.

2.3K 45 0
                                    

Date Published: May 8, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Tinabunan na ni Kristan ang gas na nakakalat sa bahay ng tubig para hindi na ito sumindi pa kahit na hindi niya alam kung e-epekto ba ito o hindi.

Nasa isang tabi naman sila Eiffle habang pinapanood ang lahat ng mga nangyayari ng tahimik para hindi sila makita ng kung sino.

"Hula ko ay p'wedeng pagkatiwalaan si manang na tumulong kanina," komento ng isang lalaki.

"Hula ko ay tama ka diyan, Paris," pagsang-ayon naman ng isa pang lalaki.

"Paris, London, ingat. Baka may makapansin sa 'tin," saad ni Eiffle. May binili silang bahay na nasa tapat ng bahay ng mga Guevara para mabantayan sila ng maayos.

"Mukhang Levasque nga 'to. Ganito din sng ginawa nila noon sa mga kaaway nila sa politiko," komento ni London.

"Delikado ang mga Guevara. Kailangang malaman ni boss 'to," saad ni Eiffle at may tinawagan na siya.

•*•*•*•*•*

Nang naka-alis na ang mga pulis ay agad nagkumpulan ang mga kapit bahay para mag-usap. Agad namang lumapit si Paris sa kanila.

"Kailangan magbayad ang mga taong nag-utos sa kanila," saad ng isang lalaki. Tumango naman bilang pagsang-ayon ang lahat.

"Kahit na isang mayamang tao ang nag-utos ay hindi tayo aatras. Kung hindi tayo lalaban, talagang aapakan lang tayo ng mga abusadong mayayamang tao," saad naman ng isang babae.

"Tama!" sagot ng lahat. Napangiti naman si Paris dahil sa narinig niya at napahinga ng malalim. Naglakad na siya paalis para bumalik sa mga kasama niya.

"Yow..." tawag niya sa dalawa at sinara na ang pintuan. Napalingon sa kaniya ang dalawa at binaba na ni Eiffle ang cellphone.

"Handa ang mga kapit bahay na magsalita laban sa kung sino man ang nag-utos kahit na mayaman pa sila," sabi ni Paris.

"Kailangan natin silang protektahan din," dugtong niya pa. Tumango sila Eiffle at gumawa na sila ng plano.

KIANA

Nagulat ako nang nakita ko 'yong video na nakuha ni Manang Connie at napatingin ako kay lalaking masungit.

"Damn! Levasque, huh? I thought that his son was the only one who can't move on... I have no idea that even the father can't move on from you," komento niya.

"Ano ang p'wedeng gawin? Baka may gawin pa sila sa 'min eh," sabi ko naman.

"No worries... I'm going to do something about this. Just trust me, okay?" Tumango ako at nakita kong kinopya niya ang video sa laptop niya.

"Anong plano mo?" tanong ko.

"Secret... For now, 'wag ka nang mag-alala pa tungkol dito at ako na ang kikilos para lang hindi kayo mapahamak ni Mr. Guevara," sagot niya.

"Paano si papa? Magkaibigan ang mga Lysander at Levasque," nag-aalalang saad ko.

"I know what to do there. Ako na ang bahala sa kanila. Basta siguraduhin mo lang na ligtas kayong dalawa," sagot niya.

"Okay... Sige," simpleng sagot ko. Agad niyang sinara ang laptop nang may nagbukas ng pintuan at nakita namin sila Skylene.

"OMG! Kia, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba n'ong sumusunod sa 'yo kagabi? Tinawagan ko kasi si Chadwick," sabi ni Skylene.

"Ayos lang ako at sinundo ako ni lalaking masungit mula doon sa may computer shop para ihatid ako pauwi," sagot ko.

"Masaya akong malaman 'yon. Sinabihan ko din si dad tungkol sa nangyari at sabi niya ay kakausapin niya din si Ate Cris," sagot niya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon