Chapter 11.

2.4K 43 1
                                    

Date Published: April 28, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

~ NEXT DAY ~

KIANA

Naglalakad na ako sa hallway habang nakangiti dahil sa nagamit ko ang mga bote bilang alkansya at bilang plant box.

Nakita ko kasi na may maliit kaming garden kaya naman gumawa ako kahapon para makapagtanim dahil baka mas makatipid kami kung magtatanim kami ng mga halaman.

Kaya bago pumasok mamaya ay maghahanap ako ng tindahan ng mga buto para makapagtanim tulad ng mga calamnsi, sili, at iba pa.

Kinuhaan ko ng litrato ang maliit naming hardin para maipakita kay Skylene para humingi ng opiniyon niya tungkol dito.

"Aww!" Napatingin ako sa nakabangga ko dahil sa hindi ako natingin sa paligid ko. May nakita akong lalaki na pamilyar sa 'kin at alam kong taga student council din siya.

"Hello, sorry kung nabangga kita," sabi ko.

"Hindi... Okay lang. Sorry din dahil hindi din ako natingin sa paligid ko," sagot niya naman at ngumiti ako.

"I'm Karl. Isa din ako sa officer ng student council. I think that hindi pa tayo nagkakilala, 'di ba?" Tumango ako.

"Oo... Ngayon lang kita nakilala pero naalala ko naman 'yon mukha mo no'ng unang beses akong pumunta sa opisina," sagot ko.

"Saan ka pupunta? Samahan kita dahil sa wala namang klase ngayon. Makikipagkita ka ba kay Skylene?" tanong niya.

"Ahh... Pupunta lang ako sa parte ng school kung saan may wifi para makapag-search ng mga halaman na p'wedeng itanim sa bakuran namin," sagot ko.

"I see... Sige, dalhin kita sa isang classroom na may malakas na wifi para doon ka makapag-search," sagot niya.

"Okay. Thank you, Karl," sagot ko at sumunod na ako sa kaniya.

•*•*•*•*•*

Habang naglalakad ng tahimik ay napatingin ako sa direksyon ni Karl at napangiti ng onti.

"Wala ka bang klase ngayon? Baka kasi ma-late ka dahil sa 'kin eh," sabi ko sa kaniya.

"Don't worry. It's fine. Mamayang 7 pa naman ang klase ko at 6:30 pa lang ngayon," paniniguro niya. Kaya tumango na lang ako.

"I've heard na kukunin mo 'yong mga bote sa may student council. Bakit? Para saan?" takang tanong niya.

"Ire-recycle ko kasi siya para gawing alkansiya, plant box, pencil case, at iba pa. Baka kasi mapagkakitaan ko din eh," sagot ko naman.

"Sa bagay, mas magandang i-recycle kaysa sa hindi at makadagdag pa sa polusyon. Naiintindihan ko din 'yan," tumatango niyang saad.

"Kinuhaan ko din ng video ang sarili ko habang nagawa ako eh. Para mai-upload din sa Youtube at mapagkakitaan. Sabi kasi ni Skylene ay p'wede 'yon," paliwanag ko pa.

"Tama 'yan. At least, baka may manood na nagustuhan ang gawa mo at um-order pa. At least, dagdag bayad din ang commission na 'yon," pag-deklara niya.

"'Yan din ang sinabi ni Skylene kaya ginagawa ko 'yon. Sayang din kasi kung hindi ko gagawin eh," sagot ko pa.

"Here. Nandito na tayo sa parte ng campus na may malakas na wifi. P'wede kang kumonekta dito dahil walang password ang wifi," sabi niya.

"Thank you, Karl." Kumunekta na ako sa wifi at dumating sila Skylene at Skylar sa p'westo namin.

"Good morning sa inyo. Ang aga niyo ah?" bati ni Skylene sa 'min.

"Good morning din. Sumabay na ako kay papa para isahang pamasahe na lang," sagot ko naman sa kaniya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon