Chapter 23.

2.2K 48 0
                                    

Date Published: May 8, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Dahil sa kumalat na ang video sa lahat ng social media platforms ay nagkagulo ang lahat ng mga reporters sa harap ng bahay ng Levasque.

Dito sa opisina ni Mr. Levasque ay namomoblema siya dahil sa lumabas na video tungkol sa nangyari noon. Hindi niya alam kung saan 'yon nanggaling.

"Saan ba nanggaling ang video na 'yon? Sino ba ang nagpalabas n'on?" tanong niya pa habang masamang nakatingin sa kaharap niya.

"Iimbestigahan po namin 'yon, sir." Agad umalis ang ang mga lalaki para imbestigajan kung sino ang naglabas ng video sa social media.

Napahinga siya ng malalim at tinawag ang mga bantay sa bahay para paalisin na ang mga reporters na nagkalat sa labas.

•*•*•*•*•*

Dito naman sa hotel na pinagta-trabahuhan ni Kristan ay narinig niya din ang balita at agad siyang nag-alala dahil sa nalaman niya.

'Bumalik na naman ang multo ng nakaraan. Nag-aalala ako para sa 'ming mag-ama,' saad niya sa isip.

Kaya naman kahit na nag-aalala ay nag-trabaho na siya pinagpatuloy na niya ang pagta-trabaho kahit hindi niya makalimutan ang tungkol sa nalaman niya.

•*•*•*•*•*

Nandito si Zack sa loob ng sasakyan niyang naka-park sa parking lot ng eskwelahan habang pinapanood ang video na kumalat sa social media.

"Who did this? Impossible naman kung si Kia dahil alam kong hindi niya kayang gawin 'to," saad ni Zack sa sarili niya.

"Hello, kuya? Bakit ka napatawag?" tanong ni Zack nang tinawagan siya ng kapatid.

"Zack, be careful. Alright? Maraming press ang dudumog diyan sa eskwelahan mo," saad ng kapatid.

"Sure, kuya. I understand." Binaba na ni Zack ang tawag at napabuntong hininga na lang. Tumambay na muna siya sa sasakyan at lalabas na lang kung oras na ng klase.

•*•*•*•*•*

Sa labas naman ng student council office ay may kinakausap si Chadwick sa cellphone at lumilingon siya sa paligid.

"Dad, what's happening?" tanong nito.

"Son, someone just released a lot of videos against Levasque. Mukhang may galit ata 'yon kaya ganito ang nangyari," sabi ng tatay ni Chadwick.

"Do you have any idea what happened? Or who that person who leaked those videos?" tanong ni Chadwick.

"We have no idea. We're looking for it to protect them. We need them against Levasque and their friends," sagot ng tatay.

"Really? Okay, dad. Please, be safe and you're one of their enemies because you're a Chainsell," bulong ni Chadwick.

"I know, son. Ako na ang bahala and just protect your friend. Okay?"

"Yes, dad. I understand that. Ginugulo na din po sila ng mga Levasque at kanina ay pinagtangkaang sunugin ang bahay nila," pag-balita ni Chadwick.

"I sent you the video and maybe, we can use that to protect her," dugtong niya pa.

"Sige. Gawan ko na ng paraan 'to, son. Just be safe with your friends." Binaba na ni Mr. Chainsell ang tawag.

'I have to make sure that they're safe,' pag-deklara ni Chadwick at pumasok na siya sa loob ng opisina.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon