Chapter 27.

2.2K 42 0
                                    

Date Published: May 11, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

~ AFTER THREE WEEKS ~

KIANA

Tatlong Linggo na ang nakakalipas at hindi ko alam pero, ramdam kong nililigawan talaga ako ni lalaking masungit ngayon.

Sa nagdaan din na tatlong Linggo ay lagi din akong kinukulit ni Zack pero hindi ko siya pinapansin sa tuwing nalapit siya sa 'kin.

Mas madami na din ang nagdo-donate sa orphanage simula no'ng nag-donate kami at masaya naman ang lahat ng mga nandoon.

May balita din na nakatakas mula sa kulungan si Mr. Levasque at pinaghahanap na siya ngayon para maikulong ulit.

'Sana ay hindi niya kami guluhin,' sabi ko sa isip ko.

Nandito kami ni Skylene ngayon sa library kasama nila Skylar, Jon, Stefen, at ng masungit na lalaki. Nandito kami para sa project namin ni Skylene habang nagta-tahi ako.

"May nai-research na ako na p'wede nating puntahan at na-contact ko na din 'yong mga restaurant para sa interview," sabi ni Skylene.

"May pumayag ba para sa interview?" tanong ko at tumango siya.

"Yep. Mayro'n. Kaya doon tayo pupunta sa darating na Sabado para magawa na 'yon at maipasa na kay ma'am. Next month na kasi ang pasahan eh," sabi niya.

"Sa bagay, may point ka doon. Next month na ang Midterm kaya kailangan na nating ipasa 'yon," pagsang-ayon ko naman.

"Ano pala 'yang ginagawa mo, Kia?" tanong ni Jon sa 'kin. Nagtatahi kasi ako at gumagawa ng manika ngayon.

"Manika. May nakita kasi akong tutorial sa Youtube kaya sinubukan ko kaya ito ang nagawa ko," sagot ko.

Pinakita ko sa kanila 'yong ginawa ko at kinuha ni Stefen 'yon para matignan ng todo. Tinignan nilang lahat 'yon.

"Ang ganda ah? Galing mo naman gumawa," komento ni Skylar.

"Magaling talaga 'yan. Nakita niyo na ba ang Youtube Channel niya? Marami siyang ginagawa doon mula sa mga DIY Crafts gamit ang mga recycled materials hanggang sa mga miniature," komento naman ni Skylene.

"Talaga? May Youtube Channel ka?" Tumango ako kay Jon.

"Wait. Ano ang name ng Youtube Channel? Magsa-subscribe ako para mapanood ang mga ginagawa mo," sabi ni Stefen.

"Kia Crafts. Diyan ako nagpo-post at minsan ay kasama ko si papa sa paggawa kaya makikita niyo siya ibang video," sabi ko.

"I already saw it." Napatingin ang lahat sa direksyon ni lalaking masungit at pinakita niya na naka-subscribe siya at naka-on pa ang notification bell niya.

"Wow! Hindi ko alam na ganito pala ma-in love and isang Chadwick Lysander. Mukhang nakakatakot ah?" pang-aasar ni Karl na kakarating pa lang.

"Ngayon lang kita nakita ulit. Hindi ka napunta sa tuwing may meeting council," komento ko at umupo siya sa tabi ni Jon.

"Pasensya na. May problema kasi sa kompanya kaya tinulungan ko sila mommy. Nagpa-alam ako sa dean bago ako mawala kaya nakakahabol naman ako," paliwanag niya.

"Pero ano pala ang mayro'n at nandito tayo ngayon?" tanong niya pa.

"Gagawa kami ng project ni Skylene para sa isa naming subject at next week na ang pasahan," sagot ko.

"Sama ba tayong lahat?" Tumango ang lahat kay Karl.

"Yep. Para mabilis silang matapos. May video pa na kailangan para sa interview eh," sagot ni Jon.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon