Special Chapter #2.

2K 31 0
                                    

Date Published: May 31, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Nagising ako ng naramdaman kong may mainit na kung ano ang tumatama sa balat ko at nakita kong umaga na. Napatingin ako sa katabi ko at tulog pa si Chad.

Dahan-dahan akong umupo nang nakita kong ala-sais na ng umaga at nagising si Chad mula sa tabi ko.

"It's too early, sweetheart. Tulog pa tayo," sabi ni Chad sa 'kin. Humiga ulit ako at mas humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"May trabaho ka pa, 'di ba? Baka ma-late ka," bulong ko sa kaniya.

"Don't worry... They know that we have a honeymoon so, they let me have some rest for today," sagot niya naman.

"Okay..." Yumakap na lang ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa noo at natulog na kami ulit.

~ AFTER ONE MONTH ~

Isang buwan na ang nakalipas simula no'ng kinasal kami ni Chad at nandito ako ngayon sa bahay namin habang kasama si Dally.

Si Dally ay ang alaga naming golden retriever at binili siya ni Chad para may kasama naman daw ako sa bahay habang wala siya.

Nagpatayo din si Chad ng store para sa mga ginagawa at binebenta kong miniature at recycled items at pumupunta naman ako doon ng anim na beses sa isang Linggo.

Habang nandito ako sa bahay ay gumagawa ako ng panibagong produkto para makagawa ng video at ibe-benta ko 'yon sa store.

"Arf!" Tumingin ako kay Dally nang tumahil siya at umupo sa tabi ko habang nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko.

"Dally, anong mayro'n?" tanong ko at hinaplos ang ulo niya.

"Gusto mong makipaglaro?" Tumingin siya sa 'kin at nilabas ang dila niya. Napangiti ako at binaba na muna sa lamesa ang mga hawak kong gamit.

Tatayo na sana ako nang agad akong nakaramdam ng hilo at agad akong tumakbo papunta sa banyo. Narinig kong tumahol si Dally pero hindi ko na siya pinansin pa.

Habang sumusuka ay naramdaman kong may humihimas sa likod ko at napalingon ako sa direksyon niya at nakita ko si Zack.

"Hey? Anong nangyari? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Nilinis ko na muna sa bunganga ko sa lababo at inalalayan niya akong maglakad pabalik sa sofa at umupo. Tumabi naman siya sa 'kin.

"Bigla lang akong nahilo at hindi ko alam kung bakit," sagot ko. Sumandal ako sa kaniya.

"Anong ginagawa mo pala dito? Wala ka bang trabaho, Zack?" tanong ko naman sa kaniya.

"Bumisita talaga muna ako sa 'yo bago pumasok sa trabaho at nagpaalam naman ako kay kuya," sagot niya.

"Tawag lang ako ng doktor para sa 'yo para malaman natin kung may sakit ka ba o kung buntis ka ba." Kinuha na niya ang cellphone niya at hinayaan ko na lang siya.

•*•*•*•*•*

Binuksan na ni Zack ang pintuan at may pumasok na isang babae sa sala. Naglakad siya palapit sa 'kin.

"Hello... I'm Richelle Arcana - isa akong doktor at che-check-up-in kita para matignan natin ang kalagayan mo," sabi niya.

"Maraming salamat," bulong ko. Ngumiti siya sa 'kin at sinimulan na niya ang pag-check-up sa 'kin.

•*•*•*•*•*

Tapos na siyang check-up-in ako at napangiti siya. Tumingin siya kay Zack.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon