Chapter 20.

2.3K 49 0
                                    

Date Published: May 8, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Naglalakad ang dean sa hallway kung saan malapit ang classroom nila Kiana nang napatingin ito doon.

Sumilip siya sa loob ng room at binuksan ang pintuan dahil sa nakita niyang nagtu-turo si Kiana sa harap at halo-halo ang mga estudyanteng nasa loob.

"Hello, Miss Guevara. Anong klase 'to at sino ang professor?" tanong ng dean.

"Hello po... Culinary Nutrition po, ma'am. Si Ma'am Min po ang professor kaso, nag-aaral po siya ngayon para sa masteral," sagot ni Kiana.

"Okay... Sige. Tutorial ba 'to? May bayad?" tanong ng dean.

"Opo, ma'am! five thousand po per session para makapag-ipon po siya," sabi ng mga estudyante.

"Okay... Payag ako dito. Okay? Mas lalo na ngayon at wala ang professor niyo. Para makapasa kayong lahat," pagsang-ayon ng dean.

Naglakad na siya paalis ng room at pinagpatuloy na nila Kiana ang pagtuturo sa buong klase.

•*•*•*•*•*

Dito naman sa bahay ng mga Guevara, may dalawang lalaking naka-face mask ang nakamatyag sa bahay.

Nakita na naman sila ni Connie at nakatago ito sa likod ng tindahan niya para hindi siya mapahamak kung sino man ang mga lalaking 'yon.

Mukha itong mga hinihintay mula sa bahay ng mga Guevara kaya naman kinuhaan niya ng litrato ang dalawang lalaki para may pruweba siya.

Pagkalabas ni Mr. Guevara ay lalapitan na sana siya ng dalawang lalaki nang lumabas si Connie mula sa bahay niya at may hawak siyang bote ng malamig na tubig.

"Kristan, para sa 'yo 'to." Agad umalis ang dalawang lalaki at nilagpasan silang dalawa nang walang ginagawang kung ano.

"Masyado kasing mainit ngayon kaya alam kong kailangan mo 'to," palusot ni Connie. Ngumiti si Kristan at tinanggap ang bote.

"Maraming salamat, Connie. Una na ako bago pa ko mahuli sa trabaho."

"Ingat ka." Naglakad na paalis si Kristan para makapasok na sa trabaho niya para sa araw na 'to.

'Sana ay ligtas silang dalawa,' saad ni Connie sa isip niya at naglakad na pabalik ng bahay niya.

•*•*•*•*•*

Nandito naman sila Skylar, Jon, Stefen, at Chadwick sa isang display case store para bumili ng display case para sa maniature na ginawa ni Kiana.

"Naalala niyo ba kung gaano kalaki 'yong miniature?" tanong ni Jon.

"Yeah. Naalala ko at alam kong kasya 'yon dito," saad ni Chadwick habang nakatitig doon sa isang malaking pa-square na display case.

"Kung sigurado ka diyan ay bilhin na natin bago pa tayo mahuli sa klase natin," sagot ni Stefen. Tumango si Chadwick at tinignan ang presyo.

"Wow! Nasa one thousand din pala 'to," komento ni Skylar habang nakatitig doon sa presyo kaya naman nagtawag na ng isang staff si Jon.

"Hello, miss... Binilhin po namin 'yong display case na 'yan," saad ni Stefen. Tumango ang staff sa kanila at inasikaso na sila.

KIANA

Tapos na ang klase namin at napangiti ako ng todo dahil sa marami silang natutunan sa discussion ko. Lahat sila nasagutan ang mga binigay na assignmanent sa 'min ni Ma'am Min.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon