Epilogue.

1.7K 28 0
                                    

Date Published: May 31, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

Nandito sila Zack sa bahay ng mga Chainsell habang nag-aayos para sa party. Kasama niya ang mag-asawang Chainsell pati na din ang mga kaibigang pamilya nito.

"Sigurado ka ba na okay ka lang, Zack? Baka kailangan mo pang magpahinga?" nag-aalalang saad ni Charmina.

"Okay lang po ako, tita. 'Wag na po kayong mag-alala dahil magaling na din naman po ang sugat ko," sagot ni Zack.

"Sigurado ka ba?" paniniguro ni Charmina.

"Opo, tita. 'Wag na po kayo mag-alala pa," paninigurong sagot ni Zack kaya naman hinayaan na siya.

"Sige, sabihan mo na lang kami kung may nararamdaman kang hindi dapat, okay?" Tumango si Zack at pinagpatuloy na ang pag-aayos.

"Sana ay magustuhan nila 'to para hindi masayang ang effort natin," komento ni Salafer habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"I know that they'll like this. Niluto at inayos kaya natin 'to," komento ni Mrs. Mirajes. Kaya naman pinagpatuloy na nila ang pag-aayos bago pa sila maabutan nila Chadwick.

KIANA

Nabyahe kami ngayon papunta sa bahay nila Chad nang may naalala ako bigla kaya naman tumingin ako kay Stefen.

"P'wedeng pumunta na muna tayo sa sementeryo para bisitahin sila papa?" tanong ko at napatingin silang lahat sa 'kin.

"Of course, we can go there first. Saglit, liko ko lang," sagot ni Stefen at iniliko na ang sasakyan.

"Pumunta na din muna tayo sa malapit bilihan ng bulaklak," suhestyon ni Jon.

"Sige. May alam akong bilihan at madadaanan natin 'yon dito," sagot ni Stefen.

"Sabihan ko lang sila dad na mhuhuli tayo saglit," sabi ni Chad at kinuha ang cellphone niya. Tumahimik na kaming lahat ulit habang nabyahe.

•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa bilihan ng bulaklak at bumaba kaming lahat para tumingin ng magandang bulaklak.

"Mayro'n bang mura lang diyan?" tanong ko at tumingin sila sa 'kin na para bang hindi makapaniwala.

"Ang yaman mo na dahil sa Youtube Channel mo tapos naghahanap ka pa ng mura? Bulaklak na nga lang eh," komento ni Karl.

"Sabi ko nga eh. Sorry, nasanay lang talaga ako sa mga mura," nahihiya kong saad at natawa silang lahat.

"Okay lang naman, Kia. Alam naman namin na nasanay ka sa ganiyan eh," sagot naman ni Skylene.

Pumasok na kaming lahat papasok ng shop at agad tumingin sa mga bulaklak na nandoon. Pumunta ako sa isang puting bulaklak dahil sa ang ganda n'on.

"White Rose, one hundred pesos," bulong ko. Kinuha 'yong isang bulaklak at pumunta na sa cashier. Nando'n na din ang iba na may hawak na iba't ibang bulaklak.

"Ito po ang mga bibilhin namin," sabi Skylar at inabot na sa nagbe-benta ang mga bulaklak na dala-dala namin.

Pagkatapos bayaran ay umalis na kaming lahat at pumunta na sa sementeryo para bisitahin sila papa.

~ AT THE CEMETERY ~

Naka-upo kaming lahat sa damuhan ngayon habang pinalilibutan ang dalawang lapida. Nilapag na namin 'yong mga bulaklak.

"Ma, pa, graduate na po kami," sabi ko.

"Kasama ko din po mga kaibigan ko para makilala niyo po silang lahat," dugtong ko pa at biglang humangin ng malakas.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon