Chapter 43.

1.7K 32 0
                                    

Date Published: May 25, 2017

Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Nasa housekeeping department kami ngayon ni Skylene. Pinapili kasi kami kung saan namin gusto kaya ang pinili namin ay housekeeping na lang.

Hinihintay naming dalawa ang supervisor namin dahil sa may ituturo pa siya sa 'min bago kami magsimula. Nawala na din ang kaba ko kanina kahit paano.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang darili ko nang dumating na ang supervisor namin ay agad kaming lumapit sa kaniya.

"Good morning po, ma'am," bati namin ni Skylene sa kaniya. Tinignan niya lang kaming dalawa at hindi na umimik. Nagkatitigan kami ni Skylene dahil do'n.

'Mukhang strict siya ah?' komento ko sa isip ko. Sana ay kayanin naming dalawa 'to.

"Come with me. Dadalhin ko na kayo sa pwesto niyo," sabi niya sa 'min at sumunod na kami sa kaniya para makapag-umpisa na.

CHADWICK

Bored akong tumingin sa harap ng computer. Hindi ko alam kung ano p'wedeng gawin dito. Wala namang masyadong trabaho.

"Dude, boring, 'no?" sabi sa 'kin ni kalangitan at tumango ako.

"Kumusta kaya sila Karl sa mga kompanya nila ngayon?" tanong niya.

"Hula ko ay maraming ginagawa 'yon. Impossibleng hindi mag-handle ng kompanya ang mga 'yon," sagot ko naman.

"Sa bagay, may point ka diyan. Estudyante pa lang ay nagta-trabaho na eh," he commented at me.

"Kumusta kaya 'yung mga babae do'n sa housekeeping?" tanong ko naman sa kaniya.

"Alam kong okay lang 'yong dalawa doon kaya 'wag na tayong mag-alala pa sa kanila. Kaya nila 'yan," sagot niya.

"Paano pala 'yong trabaho ni Kia? Nag-quit na ba siya o nagpaalam?" tanong niya.

"Nagpaalam siya sa kay Ate Cris at pinayagan naman siya. Sa ngayon ay may pumalit na part timer din sa kaniya at 'pag balik niya ay pag-uusapan nila kung ano ang magiging schedule nilang dalawa," sagot ko naman.

"Habol, may nalaman ako," sabi niya sa 'kin. Sumandal ako sa upuan ko dahil sa sobrang pagka-bored at tumingin sa kaniya.

"Masungit 'yung supervisor ng girls. Kaya sa tingin ko magkaka-problema sila sa kaniya," dugtong niya sa gusto niyang sabihin.

"Kaya ng girls 'yan. Tiwala lang. Masisipag ang mga 'yon saka fast learner. Wala silang makikitang problema doon," sagot ko naman sa kaniya.

Malaki ang tiwala ko sa dalawang 'yon kaya alam kong hindi sila magkaka-problema kahit na anong mangyari.

"Isang disadvantage din ng pagiging housekeeping nila. Maraming lalaki makakakita sa kanila do'n." At dahil sa sinabi niya ay tinignan ko na 'yung monitor ko at tinignan sila.

I'm really happy that we're here at the camera room kaya p'wede namin silang makita kahit na anong oras naming gustuhin.

"Possessive ka talaga, habol," sabi sa 'kin ni kalangitan.

Kasalanan ko ba kung gusto kong akin lang ang teritoryo ko. Kung ano ang akin, akin lang kahit na anong mangyari.

KIANA

Naglilinis kami ng kwarto ngayon ni Skylene. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong pinapahirapan kami ng supervisor namin na 'to.

"Ano ba? Ang tagal niyo namang dalawa. 35 minutes lang dapat ang itatagal niyo dito!" galit na saad niya sa 'min.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon