Special Chapter #3.

2.7K 41 0
                                    

Date Published: June 3, 2017
Date Re-Published: October 14, 2021

KIANA

Pagka-uwi namin si Chad mula sa ospital ay agad kaming nilapitan ni Dally at halatang excited siya ngayon. Bumalik na sila Skylene sa trabaho nila para sa araw na 'to.

"Dally, kalma lang. Ipapakilala din kita kay Cheyne kaya 'wag ka nang mag-alala," sabi ko. Umupo na kami ni Chad sa sofa.

"Dally, ito ang anak namin - si Cheyne," pagpapakilala ko. Tinignin ni Dally ang anak namin at tinitigan siya ni Cheyne.

"Paki-bantayan siya, Dally. Okay? She's your baby sister," sabi ni Chad at tumahol ng mahina si Dally. Pinatong ni Dally ang ulo niya sa maliit na katawan ni Cheyne.

Napatingin ako kay Chad nang kinuha niya ang cellphone habang nakatapat ito sa tenga niya. Tumingin ulit ako kay Cheyne at nakita kong hiniwakan niya si Dally sa ulo.

"Masaya akong hindi ka natatakot kay Dally, Cheyne. Mabait naman kasi siya," komento ko. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti.

"Aww... Nginitian mo ako, anak," masayang komento ko pa. Tumingin si Dally sa 'kin at hinimas ang ulo niya sa maliit na katawan ng anak ko.

"Okay... I got that and we'll go there." Napatingin ako kay Chad nang narinig ko ang sinabi niya. Binaba na niya ang cellphone at tumingin siya sa 'kin.

"We need to go somewhere, sweetheart. Dad said that you need to know something," sabi niya at nagtaka naman ako.

"Tungkol ba 'to sa pagiging mafia mo?" Tumango siya. Huminga muna ako ng malalim at tumango sa kaniya.

"Okay, sige," sagot ko naman. Tumayo siya at kinuha ang leash ni Dally dahil mukhang isasama din namin siya.

Nilagay na niya 'yon sa collar at tumayo na ako. Naglakad na kami palabas ng bahay at sumakay ulit sa sasakyan para pumunta sa tinutukoy ni Chad.

•*•*•*•*•*

Nakadating na kami sa isang magandang building at bumaba na kami ni Chad. Binaba na niya din si Dally mula sa sasakyan.

"Let's go." Ni-lock na niya ang sasakyan at naglakad na kami papasok sa building at napatingin ako sa paligid.

"Ngayon ko lang napansin na hotel pala 'to," bulong ko. Ang mga empleyado ay ginagawa pa din ang mga trabaho nila na para bang wala silang nakikita.

"Be ready, okay? We'll be meeting someone that you already know," paalala ni Chad sa 'kin.

"Anong ibig mong sabihin? May problema na naman ba? Nakatakas ba ang mga Lysander at Levasque?" tanong ko.

"You'll know it soon." Mas kinabahan ako sa narinig ko at napatingin ako kay Cheyne na medyo nag-iingay na siya.

Kinuha ko ang pacifier niya at sinubo 'yon sa kaniya at tumahimik siya. Naglakad na kami ng tahimik.

•*•*•*•*•*

Pagkapasok namin sa isang kwarto sa pangatlong palapag ay nakita namin si Mr. Azacura at may kasama pa siyang dalawang lalaki.

Napatingin sila sa 'min at ngumiti si Mr. Azacura sa direksyon ko. Umupo kaming dalawa ni Chad sa sofa at umupo naman sa sahig si Dally.

"I'm happy to see you again, Miss Guevarra - should I say Mrs. Chainsell?" nakangising saad ni Mr. Azacura.

"Ano bang mayro'n at pinatawag mo kami dito?" tanong ni Chad.

"Before that... Again, I'm Kurami Jater Azacura and they're my cousins - Alezer and Dominique," pagpapakilala niya.

Stubbornly Possessive (Stubbornly Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon