Chapter 2 : First Day sa De Guzman School of College

6.5K 125 11
                                    

Xandra's POV

*KRINGGG!!!*

-//-

O//O

6am na pala?! OMG! Baka malate ako nito.. Bumangon na ako at ginawa yung daily routines ko.

Habang inaayos ko yung uniform ko sa harap ng salamin napangiti ako.

"This is it First day mo sa DGSOC behave ka lang Xandra kaya mo yan" sabi ko sa sarili ko

May bigla namang kumatok..

"Couz! Breakfast is ready! Goodmorning" sigaw ni Kyla

Napangiti naman ako First Day of Class ngayon kaya dapat masaya ako para Goodvibes all the way kinuha ko yung bag ko at binuksan yung pinto nagulat naman si Kyla ng makita ako.

"GoodMorning Couz!" masayang bati ko kay Kyla

"OMG! Couz ang ganda ng uniform niyo bagay na bagay sa iyo!" sabi ni Kyla habang nakatitig sa akin

"Haha Thank you bagay din sa iyo yung uniform mo halika na kumain na tayo baka malate pa tayo ng di oras" sabi ko at umakbay sa kanya papuntang kusina nadatnan naman namin si Tita Weng na naghahain na ng pagkain sa mesa.

"GoodMorning Tita!" bati ko

"Nako! Ang gaganda niyo naman diyan sa mga uniform niyo oh halina kain na kayo" sabi ni Tita

"Salamat po Tita" sabi ko at umupo na para magalmusal

"Si Mother nambola pa dejoke! I'm so excited new friends and new environment!" sabi ni Kyla habang kumakain

Napakamasayahin talaga ng pinsan ko

"Hinayhinay lang anak baka mabulunan at madumihan yang uniform mo" sabi ni Tita

"Ansarap kasi mother ah nga pala Couz so hindi tayo sabay mamaya pauwi kasi magkaiba yung daan na dadaanan natin? Ingat ka couz ah" sabi ni Kyla

"Oo nga pala Ingat ka din" sabi ko

Pagkatapos kumain ay nagayos ng konti then nagpaalam na kami kay Tita na umalis.

Isang sakay lang ng jeep para makarating sa school mabuti na lang at may napara agad tong si Kyla.

"Nako Couz excited na kong mameet yung mga new friends ko siguro madaming gwapo niyan ikaw Couz di ka ba excited?" tanong niya

"Excited din naman siyempre new friends tsaka maraming matututunan" sabi ko

"Pagaaral agad? First day pa lang genious ka talaga Couz haha" sabi niya

Unang bumaba sa akin si Kyla mas malapit kasi yung school niya kumpara sa school ko mayamaya.

"Para po" sabi ko at huminto na yung jeep kaya bumaba na ako

Kababa ko ng jeep bumungad sa akin yung isang malaki at magandang school.

Huminga ako ng malalim at ngumiti.

Maitext nga si Lola.

'To:LolaTess

GoodMorning Lola Tess First day ng school namin ngayon dito na ko sa school la excited na ko. may pasok na din sina Harvey diba? Miss ko na kayo La I love you Ingat po kayo diyan!'

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon