Chapter 50 : Goodbye Yabs at Ngits Ko

3.1K 92 16
                                    

ZACKREY'S POV

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko ng tignan ko ito puno ng mga text at message sa facebook mga Goodluck message may game pala kami ngayon.

Nagbabakasakali ako na makita ko yung pangalan niya pero hindi wala talaga hindi man lang ba talaga siya pupunta para panoorin ako?

Napatingin ako sa oras baka malate pa ko kaya tumayo na ko para maligo at magbihis tapos nagbreakfast lang ako at dumaan saglit sa ospital para icheck si Joshua dinalhan ko na rin sila ng pagkain.

Nadatnan kong mahimbing na natutulog si Joshua medyo maaga pa kasi tapos nagising naman si El.

"Zackrey andiyan ka na pala" sabi niya at kinusot pa yung mga mata niya

"Ah oo dumaan lang ako saglit may game kasi kami ngayon" sabi ko

Nanlaki naman yung mata niya "Dapat ba kaming manood ni Joshua?" tanong niya

"Hindi na okay na yung makita ko kayo ngayon" sabi ko at ngumiti

Nabigla naman ako ng bigla na lang siyang lumapit sa akin tsaka humalik.

"Goodluck kiss na lang" nakangiting sabi niya

"Ah salamat sige alis na ko" sabi ko at humalik kay Joshua tsaka umalis na

Napailing na lang ako ng makalabas ako sa room ni Joshua tsaka napahawak sa labi ko iba yung hinahanap ng labi ko eh ay! Tumahimik ka nga Zackrey!

After a few minutes dumating na rin ako sa school medyo marami na ring tao nandito na rin siguro yung mga taga East University na silang makakalaban namin.

Sumalubong naman sa akin ang isang grupo ng mga babae..

'Hi Zackrey! Goodluck sa laban niyo alam ko naman na kaya niyo iyan lalo ka na!'

'Pagchicheer ka namin ng bonggangbongga mamaya Zackrey We love you so much Goodluck!'

'Goodluck Zackrey! Ang gwapogwapo mo talaga'

"Thank you Girls" sabi ko at nginitian sila nagtitili naman sila sa kilig

Dumiretso na ko sa Gym nandoon na rin yung mga team mates ko at marami na ring tao sa Gym maya'tmaya panay ang tingin ko sa mga tao sa Gym baka kasi makita ko yung hinahanap ko sana manood siya kahit sandali lang.

Nagkaroon ng konting meeting tapos nagpahinga muna kami sa Locker room mayamaya dumating naman yung apat.

"Bro! Goodluck sa Game!" sabi ni Joaquin at inakbayan ako

"Kaya mo iyan Bro match lang kayo nung mga taga EU chicken na chicken lang sa inyo yun" sabi ni John

"Bro! Binili ka na namin ng Gatorade alam naman namin na diyan ka kumukuha ng lakas" sabi ni Grae at inabot sa akin yung isang malaking gatorade

Siniko naman siya ni Brace "Ano ka ba hindi naman siya diyan kumukuha ng lakas kundi kay Xandra" sabi ni Brace

Napailing na lang ako "Kayo talaga group hug na nga lang tayo!" sabi ko at nagroup hug nga kami

"Goodluck Zackrey!" sabaysabay nilang sabi

"Alam mo na pag nanalo kayo ah? Treat us!" sabi ni John

"Oo na ui baka dumating si Xandra pakitingin na lang ah?" sabi ko

Napangiti naman sila...

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon