Chapter 24 : Busted si Paul ??? :(

4.3K 86 4
                                    

XANDRA'S POV

Maaga akong nagising ngayon ewan ko ba hindi na rin naman ako makatulog kaya bumangon na ko.

Naghilamos na ko tsaka bumaba tutulungan ko na lang magluto si Manang Gelay.

Nadatnan ko naman siyang nagluluto sa kusina..

"GoodMorning po Manang" bati ko sa kanya

Napatingin naman siya sa akin "Oh Xandra ang aga pa ah diba 8am pa pasok niyo ngayon 6 am pa lang"

"Oo nga po manang kaso hindi na ko makatulog ewan ko kung bakit"

"Baka naman may iniisip ka si Zackrey ba iyan?"

"Nako hindi ah! Si Manang talaga Manang para sabihin ko sa inyo wala akong gusto kay Zackrey kahit na asawa ko pa siya"

"Talaga? Sayang naman kung ganoon di bale malay mo dumating yung araw mainlove kayo sa isa'tisa"

"Manang hindi po malabo pong mangyari yun never kong magugustuhan ang katulad ni Mr.Yabang babaero pa"

"Mr.Yabang? Kayo talagang bata kayo hindi mo rin naman masasabi iyan"

"Hay nako Manang tulungan ko na lang po kayong magluto kaysa sa pagkwentuhan pa natin si Zackrey"

Napailing na lang si Manang. Tinulungan ko na lang siya sa pagluluto para kahit papaano ay hindi ako mainip.

Kakatapos lang naming magluto ng may magdoorbell..

"Ako na po Manang" sabi ko

Lumabas naman ako para tignan kung sino yung tao.

"GoodMorning po dito po ba nakatira si Mr.Zackrey De Guzman?" tanong ng lalake mukhang delivery boy ata to

"Dito nga bakit?"

"Pinapabigay po sa kanya to pakipirma na lang po" sabi nung lalake pinirmahan ko naman pagkatapos ay pumasok na rin ako

Isang malaking envelope lang naman tapos nakalagay yung pangalan ng clothing company tinignan ko yung laman sa loob mga pictures tapos may magazine tapos gift certificate.

Tinignan ko yung mga pictures habang papunta ako sa kwarto ni Zackrey pinagmamasdan ko ang mga to.

"Naks ang gwapo ni Mr.Yabang ah" sabi ko

Ang Hot niyang tignan sa mga pictures niya kaya maraming fans tsaka maraming girlfriends eh!

Busy ako tumitingin sa mga pictures ng may bigla akong nabangga nabitawan ko tuloy yung mga hawak ko.

"Ano ba naman iyan" sabi ko

"Tsk masyado ka kasing busy sa pagpapantasya sa mga pictures ko alam ko naman na gusto mo ko eh" sabi niya at pinulot yung mga pictures at envelope

"Wow! Ha! Ang hangin grabe sa totoo lang ang pangit mo nga diyan tsk" sabi ko at inirapan siya

"Talaga?" pinagtaasan niya ko ng kilay

"Oo ang kulit ayan may delivery boy na dumating pinapabigay iyan sa iyo tapos luto na rin yung agahan bumaba ka na" sabi ko at tinalikuran na siya

"Thanks Asawa ko" rinig kong sabi niya

Tss! Kadiri ano na namang kabaduyan ang alam niya..

Pumunta na ko sa kusina para kumain mayamaya ay dumating na rin si Mr.Yabang so it means sabay kaming kakain..

"Manang Gelay kayo po ba nagluto nito? Ansarap ah" tanong ni Zackrey habang kumakain

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon