ZACKREY'S POV
"Mr.Yabang gumising ka na oras na!!"
*TOK! TOK!*
"ZACKREY DE GUZMAN!!"
Anak ng! Ang agaaga nambubulabog tong si Ms.Sungit ano bang problema niya ha? Sabado naman ngayon
Bumangon ako para pagbuksan siya ng pinto...
"Hindi mo ba alam na nakakasira ka ng araw?!" panimula ko
Nanlaki yung mata niya tapos pinagmasdan niya ko mula ulo hanggang paa pinagtaasan ko lang siya ng kilay.
"Eh kung suntukin kaya kita diyan! Nakalimutan mo na ba? Sabi mo sasamahan mo ko ngayon lilipat ng bahay sina Lola!" sabi niya
Kaya pala nakabihis na siya napakamot naman ako sa ulo ano ba iyan nawala sa isip ko..
"Di mo agad sinabi" sabi ko
"Anong di agad sinabi?! Haist! Nakakainis ka matawagan na nga lang si Jairus!"
Kukunin na sana niya yung cellphone niya kaso pinigilan ko siya..
"Maliligo lang ako" seryosong sabi ko sa kanya at pumasok na uli't sa kwarto ko dali-dali naman akong naligo at nagbihis
Baka kasi tawagan niya pa si Jairus mas gusto ko naman na ako yung sumama sa kanya baka kasing anong sabihin ni Old Man.
Bumaba na ko at nadatnan ko naman siyang nakaupo sa sala.
"Tara na" sabi ko
Tumango na lang siya at naunang lumabas sa akin..
Habang nasa byahe..
"Yung mga gamit ba nandoon na sa bahay?"
"Oo pinakuha ko na kahapon bale sina Lola at Harvey tsaka yung mga iba nilang gamit na lang kasya naman siguro yun dito sa kotse mo?"
"Oo naman teka bakit hindi mo na lang kinuha ng bahay ang lola mo sa same subdivision para hindi ka mahirapan"
"Naisip ko rin iyan kaso sabi ni Jairus mas maganda daw kung sa iba na lang para pag nagaway tayo doon ako pupunta hindi mo ko madaling mahahanap" bigla siyang ngumiti
Binigyan ko lang siya ng seryosong tingin bakit ba hindi nawawala ang pangalan ni Jairus?!
"Joke lang eto naman" sabi niya
"Puro na lang Jairus alam mo mukhang nagkakagusto ka na doon sa kapatid ko"
"Eh ano naman ngayon mabait naman siya gentleman at--"
Bigla kong prineno yung kotse..
"Pwede ba?! Huwag mo kong ikumpara kay Jairus! Kung gusto mo siya bumaba ka na ngayon din tutal siya naman bukambibig mo kanina pa ako tong asawa mo tapos Jairus ka ng Jairus diyan" sabi ko
Nagulat naman siya sa sinabi ko..
Tumingin na lang siya sa bintana at sinabing "Sorry Zackrey"
Napailing na lang ako feeling ko ako pa ang may kasalanan ngayon nakakairita kasi yung pangalan ng Jairus na iyon! Ayan tuloy nabadtrip ako at mukhang magtatampo pa ata si Xandra.
Nanatiling tahimik hanggang sa makarating na kami sa bahay ng lola ni Xandra.
Agad siyang bumaba ng kotse at sumunod naman ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤