Chapter 33 : Selosa at Seloso

4.3K 91 10
                                    

XANDRA'S POV

I was about to leave the house hindi ko alam kung ano ang trip ko at dumaan muna ako sa may garden siguro para makalanghap ng sariwang hangin ng may marinig akong magdoorbell nakailang ring na pero mukhang hindi pa rin ito binubuksan kaya nagdecide na ko na ako na lang ang magbukas.

Papunta na sana ako sa may gate ng maunahan ako ni Mr.Yabang kaya napaatras ako to know kung sino nga ba yung tao.

"Zackrey!" isang sigaw ng babae ang narinig ko tapos mayamaya nakita ko na lang na nakayakap siya kay Zackrey

Maganda yung babae maputi mas matangkad siya ng konti kay Zackrey isa ba to sa mga babae niya???...

"Ate Lia (Julia Barreto) teka lang" sabi ni Zackrey at kumawala sa yakap

"Don't call me ate hindi na tayo bata Zackrey besides 2 years lang naman ang tanda ko sa iyo"

Mukhang may gusto yung babae kay Zackrey eto namang si Zackrey halata mo na masaya maganda naman kasi talaga yung girl.

"Okay Lia so anong ginagawa mo dito?"

"Pinapasyalan ka"

"Paano mo naman nalaman na dito ako nakatira?"

"Si Jairus?"

Parang narinig kong napabuntong hininga si Zackrey..

"You're going to school na?"

Tumango naman si Zackrey

"Pwedeng sumama?" sabi nung Lia at kumapit sa braso ni Zackrey

"Okay basta behave ka lang okay?May practice naman kami sa basketball"

"Yes thank you Zackrey!" sabi ni Lia at yumakap uli't kay Zackrey

Sumosobra na tong babaeng to ah! Hindi porket maganda siya pwede na siyang yumakap-yakap at kapit-kapit sa braso ng asawa ko.

"Mukhang malelate na tayo tara na?" sabi ni Zackrey at umakbay dito

>_< Pigilan niyo ko! Masyadong PDA tong dalawang to at dito pa talaga sa bahay na to okay lang naman sa akin eh kaso baka makita ni Manang.

Nung makalabas na sila dahan-dahan naman akong sumunod palabas.

Ano kayang meron kay Lia at Zackrey mukhang magkababata sila at nakita kong pinagbuksan pa talaga ni Zackrey ng pinto yung babaeng yun... Nakakainis! Ako lang ata ang babaeng hindi pinagbubuksan ng pinto ng mokong na yun kung sino pa yung asawa niya pshh -_- Whatever! Umagangumaga sinisira nila ang araw ko.

Natauhan naman ako ng biglang may magbusina...

Unfamiliar car??? Sino kaya to papasok na sana ako ng bahay baka kasi sindikato to mahirap na -_-

"Xandra! Uy! Wait lang" sigaw niya parang pamilyar yung boses kaya humarap na ko

"Jairus"

Anong ginagawa ni Jairus dito???

"Wala na yung kuya mo umalis na kasama yung babae niya" masungit na sabi ko

Narinig ko namang bahagya siyang tumawa..

"Hindi naman si Kuya yung pinunta ko dito eh tsaka teka nga nagseselos ka ba?" sabi niya at ngumiti

"Ako magseselos?! Psh never! Nakakasira lang ng araw kasi umagangumaga makikita mo sila na magkayakap͵magkaakbay at nakakapit pa sa braso" sabi ko sabay irap effect eh kay Jairus ko lang naman malalabas tong saloobin ko tutal alam naman niya lahat

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon