Plug Alert!!! Basahin niyo yung Meant To Be (KathNiel Version) ni @asdfghjklkylaa :)) Salamat!
^^^
NORMAL'S POV
Nitong mga nagdaang araw naging busy si Xandra sa pagaasikaso ng restaurant niya ni wala na siyang time sa sarili niya masyado siyang subsob sa pagtatrabaho. Kasabay naman ng pagiging busy ni Xandra sa trabaho ang pagpapadala sa kanya ng bulaklak ni Zackrey ngunit hindi niya alam na kay Zackrey ito nanggaling. Patago rin na pinagmamasdan ni Zackrey si Xandra madalas niya itong sundan o di kaya ay tumambay ito sa INFINITY restaurant.
Kasalukuyang nasa office si Xandra habang kinocompute yung mga expenses sa restaurant niya ng biglang dumating yung secretary niya.
"Mam Xandra may nagpapabigay po uli't sa inyo" sabi ng Secretary niya at inabot yung bulaklak kay Xandra
Napakunot noo naman si Xandra at naisip kung kanino na naman galing ang bulaklak na ito dahil nitong mga nakaraang araw lagi siyang nakakatanggap ng iba'tibang kulay at uri ng bulaklak.
"Sino daw?" tanong ni Xandra at kinuha yung bulaklak
"Delivery boy lang po yung naghatid sige po Mam alis na po ako"
Tumango na lang si Xandra pagkatapos ay pinagmasdan ang bulaklak may nakita naman siyang note dito.
'Don't forget to SMILE Beautiful lady ! ;) Let's Start Something New'
Iniisip pa rin ni Xandra kung sino ang possibleng magpadala sa kanya ng mga bulaklak sumagi sa isip niya si Zackrey.
'Hindi ako sigurado alam naman niya na engage na ko tsaka sa dami ba naman ng girlfriend niya padadalhan pa niya ko ng bulaklak.. Hay hindi ko alam makabalik na nga sa trabaho' sabi ni Xandra sa sarili
Itinuon na nga niya ang pansin sa pagtatrabaho..
"Okay ba?" tanong ni Zackrey sa secretary ni Xandra
"Opo sir bakit ba kasi hindi kayo magpakilala kay Mam Xandra para wala ng problema"
"Sa tamang panahon ano nagustuhan niya ba?"
"Siguro naman noong isang araw noong mabasa niya yung note napangiti siya ngayon mukhang nagtataka na talaga siya kung kanino galing"
"Salamat sige bukas uli't" nakangiting sabi ni Zackrey
----
Pauwi na si Xandra galing sa isang meeting hindi siya masusundo ni Paul dahil umuwi umano ito sa probinsya ng kanyang ina kasama si Allyson. Hindi naman siya makakapagpasundo sa driver nila dahil hiniram umano ng Tita Chandria niya ang sasakyan niya kaya minabuti na lang niyang magcommute.
Naisipan munang kumain ni Xandra sa isang restaurant bago umuwi dahil gabi na rin naman pagkatapos ay nagabang na siya ng taxi ngunit dahil sa gabi na rin ay wala siyang mapadaan na taxi.
"Ano ba iyan bakit walang dumadaan na taxi kung meron man may mga sakay naman paano ako makakauwi nito" sabi ni Xandra na parang kinakausap ang sarili naiinis na din siya dahil gusto na rin niyang makauwi para makapagpahinga
Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin siyang naaabang na taxi may narinig naman siyang mga lalakeng tumatawa napatingin siya sa mga ito na papalapit pala sa kanya aalis na sana si Xandra kaso hinarangan siya ng isang lalake.
"Hi Miss gabinggabi na ah gusto mo hatid ka na namin?" sabi nito at nagevil smile
Bigla naman kinabahan si Xandra sa mga to dahil mga tatlong lalake ang kaharap niya ngayon pero pinilit pa rin niyang maging matapang.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
Fiksi PenggemarIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤