ZACKREY'S POV
"Zackrey gising na andito ang kapatid mo"
Kapatid ko? Ano na naman bang pakay ng Lokong iyon..
"Andiyan na po"
Bumangon na ako para maligo at magbihis pagkatapos ay bumaba na ko para magalmusal.
Nadatnan ko namang nagaalmusal si Jairus habang nagbabasa ng dyaryo so anong feeling niya Genius siya tsk! Sarap suntukin pakitang tao..
Di ko siya pinansin umupo na ko at nagsimula ng kumain naramdaman ko namang napatingin siya sa akin.
"GoodMorning Kuya agaaga nakasimangot ka" sabi niya at ininom yung kape niya
"Anong kailangan mo bakit nandito ka?!" masungit na tanong ko
"Kailangan agad diba pwedeng namimiss ko lang ang kuya ko" sabi ni Jairus at nagsmirk
"Pwede ba Jairus! Tigilan mo na ko sa kalokohan mo sabihin mo na kung anong pakay mo!" sabi ko nainis na kasi ako kung makapangasar tong lalakeng to
Napabuntong hininga naman siya..
"Hindi ka pa rin nagbabago Kuya pinapunta ako ni Dad dito para iremind sa iyo yung pinapagawa niyang paghahanap sa anak ng mga Walter"
"Tsk.. Anlaki ng Pilipinas sa tingin niyo ba mahahanap ko agad yung anak ng mga Walter?!"
"Bago daw matapos yung month na to gustong makita ni Dad yung anak ng mga Walter"
Nagsalubong naman yung kilay ko sa sinabi niya..
"Kailan lang niya sinabi tapos gusto niya mahanap ko agad"
"Kaya nga tutulungan kita kuya pag di mo nagawa ang gusto ni Dad grounded ka at may possibility na ipadala ka niya sa US"
Nakakainis talaga yang Old Man na iyan ...
"Hindi ko kailangan ng tulong mo gagawin kong magisa ang pinapagawa sa akin ni Old Man para naman mapagmalaki niya ko kahit papaano" sabi ko pagkatapos ay umalis na ko iniwan ko na si Jairus doon bahala siya nagmamagandang loob na naman siya para siya na naman ang mapansin tsk! This time I won't let that happen again..
Hahanapin ko yung anak ng mga Walter..
Dumeretso na ko sa school tinext ko yung apat na magkita kami sa may cafeteria sasabihin ko sa kanila yung pinapagawa sa akin ni Old Man kahit konting tulong hihingi ako sa kanila.
Nadatnan ko naman silang nagkwekwentuhan..
"Oh ayan na pala si Zackrey" sabi ni Grae
Nginitian ko sila pagkatapos ay tumabi ako sa kanila..
"May problema ba bro? Bakit gusto mo kaming makausap?" tanong ni Brace
"Oo nga nakakakaba naman iyan huwag mo sabihing nagbalik na si"
Di ko na pinatuloy pa yung sinasabi ni John baka kasi mabanggit na naman niya yung pangalan ni El.
"Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo mga Bro" sabi ko
"Saan naman?" tanong ni Joaquin
"May pinapahanap kasi sa akin si Old Man anak daw ng mga Walter close friend nila Mommy at Old Man yung mga Walter namatay na raw yung mga yun tapos ngayon pinapahanap sa akin ni Old Man yung anak nila" sabi ko
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤