ZACKREY'S POV
Busy akong nagbabasa ng mga tweets ng may biglang kumuha ng atensyon ko kaya nabasa ko yung isang tweet kung saan eto yung sabi "Binusted ni Xandra si Paul aw!" tapos makikita mo yung picture ni Paul at Xandra na seryosong naguusap nasa park ata sila.
Mga chismosa talaga hay pero bakit naman ambilis ata ng mga pangyayari busted agad si Paul? Haha kawawa naman siya si Ms.Sungit talaga...
May biglang kumatok..
"Pasok" sabi ko
Bumungad naman sa akin si Manang Gelay..
"Manang ano pong kailangan niyo?" tanong ko
"May problema ba kayo nung asawa mo Zackrey?"
Napakunot noo naman ako anong ibig sabihin ni Manang.
"Wala naman po bakit?"
"Kanina pa kasi siya doon sa rooftop hindi pa bumababa baka kako may problema kayo"
"Sige Manang pupuntahan ko na lang po si Xandra"
Tumango naman si Manang at lumabas na..
Ano kayang problema ng babaeng yun...
Pumunta ako sa rooftop nadatnan ko naman na nakaupo siya doon sa may swing may problema ba si Ms.Sungit gabi na rin kasi dapat nga tulog na siya niyan.
Nilapitan ko siya...
"Xandra" tawag ko
Napalingon naman siya sa akin
"Oh Zackrey ikaw pala"
Tumayo na siya sa kinauupuan niya
"Okay ka lang?"
Tumango naman siya
"Eh bakit nagsesenti ka dito sa rooftop? Gabi na ah di ba dapat nakahiga ka na niyan may pasok pa tayo bukas" sabi ko
"Ahm nagpapahangin lang" sabi niya at ngumiti
Para talagang may problema si Ms.Sungit eh kailangan kong malaman.
"Alam kong may problema ka" sabi ko at tinignan siya
"Wala noh tara na ka baba na tayo"
Akmang aalis na sana siya pero pinigilan ko siya
"Makikinig ako" sabi ko at ngumiti
Napabuntong hininga naman siya at humarap sa akin bale magkaharap na kami ngayon.
"Si Paul kasi binusted ko" sabi niya
"Eh anong problema doon?" tanong ko
"Wala naman eh kaso nagiguilty ako nasaktan ko yung tao"
"Hindi mo naman siya gusto diba?"
"Hindi kaibigan lang turing ko sa kanya"
"Yun naman pala"
"Eh kaso kinokonsensya talaga ako ng konsensya ko baka mamaya magalit sa akin si Paul"
"Hay nako Ms.Sungit ginawa mo lang yung tama hindi mo siya gusto kaya binusted mo siya tama lang iyon"
"Sa bagay may point ka bukas na bukas kakausapin ko si Paul" sabi niya
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤