XANDRA'S POV
"Sana okay lang si Dad naku baka may masamang mangyari sa kanya"
"Maupo ka muna nga ako yung nahihilo sa iyo eh!"
Tinignan niya lang ako tapos umupo din siya sa tabi ko..
"Alam mo kung pwede lang ako na lang yung magpapakasal sayo ayos lang naman yun basta sa ikabubuti ng lahat at para kay Dad eh kaso hindi talaga pwede si Kuya talaga ang itinakda nila para sa iyo eh" sabi ni Jairus
Nandito kami ngayon sa Ospital nasa ER si Tito James matapos silang nagkasagutan ni Mr.Yabang ayun inatake ata sa puso medyo may edad na rin kasi tong si Tito James..
*FLASHBACK*
"Gaya nga ng sinabi ko bata pa lang kami ay magkakaibigan na kami kaya bata pa lang kami noong magkasundo kaming apat na isa sa mga anak ko ang ikasal sa anak nila kaya hindi niyo kailangan balewalain iyon dahil bago ganapin ang grand opening ng Grand Hotel pinaalala ulit ni Jenna at ng mommy mo Zackrey na ikasal kayo ni Xandra pagdating ng takdang panahon at ito na ang panahong iyon"
At Nagkatinginan kami ni Mr.Yabang...
"Paano kung ayaw namin?! Tsaka bata pa kami Old Man! Do you think that's enough para pumasok kami sa ganoong sitwasyon?!" tanong ni Mr.Yabang na medyo tumaas yung boses nya mukhang galit na sya napatayo kasi siya
"Tama po si Zackrey Tito hindi naman po siguro tama na bastabasta niyo na lang kami ipagkasundo magpakasal bata pa kami tsaka hindi naman kami ganoon kalapit sa isa'tisa" sabi ko ng mahinahon
"Pero nangako kami sa isa'tisa ng mga magulang mo Xandra na balang araw ikakasal kayo ni Zackrey kahit anong mangyari" sabi ni Tito James
"May mga pangako na napapako kaya Old Man tigilan mo na ang kalokohang to! Kung gusto mo pakasalan mo si Xandra tsaka mo ibigay yung yaman niya!" sigaw ni Mr.Yabang
Mukhang hindi nagustuhan ni Tito yung sinabi ni Mr.Yabang kaya lumapit siya dito at nasampal niya si Zackrey kahit naman ako hindi ko nagustuhan yung sinabi niya para kasing nakakabastos na pero mas pinili ko na lang na manahimik.
Nagulat kami sa ginawa ni Tito kay Zackrey...
"Dad tama na" sabi ni Jairus na lumapit kay Tito ako naman lumapit ako kay Mr.Yabang
"Kahit anong mangyari hindi ako susunod sa gusto niyo wala akong pakeelam sa mga pangako na iyan dahil minsan na akong pinangakuan ng isang tao pero anong nangyari wala napako yung pangako niyan? Tsaka Old Man wag mo namang kaming ganituhin ni Xandra may mga pangarap pa kami sa buhay baka mawala lahat ng yun pag kinasal kami" sabi ni Zackrey
Sino naman yung taong nangako kay Mr.Yabang hala! Ayaw ko yung ganito eh feeling ko nanonood ako ng drama...
"Anak last na to sige na malaki ang utang na loob natin sa pamilya nila Xandra kaya sana pumayag ka na pakasalan siya" sabi ni Tito
"Tito okay na po yung buhay ko masaya na po ako kung anong meron ako ngayon kahit hindi niyo na po ibigay sa akin yung yaman nila mommy at daddy hindi niyo na po ako kelangan ipakasal sa anak niyo" sabi ko
Napatingin naman sa akin si Mr.Yabang tapos tumingin din ako sa kanya pero agad siyang umiwas...
"Kahit anong mangyari matutuloy ang kasal niyo sa ayaw at gusto niyo mahalaga sa akin ang pangakong iyon" seryosong sabi ni Tito
"Old Man ! Ano ba?! Narinig mo na si Xandra diba masaya na siya hindi na niya kailangan pa ng yaman! Tigilan mo na nga yang kalokohan mo! Anong akala mo nasa teleserye ka arrange marriage ganoon?!Tsk" sabi ni Mr.Yabang at napailing
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤