@Camille_NashLexa --> This story is for you ! :)
ZACKREY'S POV
Nagising ako sa sinag ng araw nakatulog pala ako agad ni hindi na ko nakapagpalit.
Napatingin naman ako kay Angel na gising na ngayon mukhang naglalaro magisa ang baby namin tapos tumingin ako sa katabi niya ang himbing pa ng tulog ni Xandra.
"GoodMorning Baby Angel" sabi ko kay Angel at hinalikan siya sa noo tapos tumawa naman ang baby
Napatingin na naman ako kay Xandra parang maamong anghel na natutulog napangiti ako ng di oras.
Biglang dumapa si Angel kaya naisipan kong kunin siya at ipatong sa akin tapos nilalaro ko lang siya.
"Alam mo Baby pag nagkaanak ako gusto ko yung kasing cute mo" sabi ko
Naglalaro lang kami ni Angel ng biglang ipatong ni Xandra yung kamay niya sa akin..
Tinignan ko siya ang himbing pa rin ng tulog niya hay buti na lang nakahiga sa akin si Angel kundi kawawa siya kapag dinapuan siya ng kamay ni Xandra kaya ngayon parang nakayakap sa akin si Xandra.
"Baby ang himbing ng tulog ng Mommy mo oh tapos nakayakap pa sa akin" sabi ko kay Angel tapos bigla naman siyang tumawa
"Ano ba ang sarap matulog eh!" rinig kong sabi ni Xandra tapos nagulat na lang ako ng ipatong niya yung isa niyang legs sa akin?!
Yung totoo Xandra?! Matagal mo na siguro akong pinagnanasaan ah!
Nagsimula na kong tumawa akala ata ni Xandra unan ako kaya panay ang yakap sa akin ^_^
"Baby tignan mo si Mommy mo panay ang yakap sa akin" medyo nilakasan ko yung pagkasabi ko para naman marinig niya
Napatingin naman ako sa kanya at saktong nagising na siya nanlaki yung mata niya ng makita ako..
"Zackrey?!!"
Agad niyang tinanggal yung kamay at legs niya..
"Akala ko hindi mo na ko pakakawalan eh alam mo mabuti na lang kinuha ko tong si Angel baka mamaya siya pa nayakap mo kawawa naman yung baby pero ayos lang naman yung pagyakap mo sa akin hindi ko akalain na may pagnanasa pala talaga yung asawa ko sa akin" sabi ko at ngumiti
Halata namang nainis siya sa sinabi ko umupo na siya tapos inirapan ako..
"Akala ko kasi Unan ka eh! Ikaw naman edi sana ginising mo na ko nung una pa lang" sabi niya
"Paano naman kita gigisingin eh sarap na sarap ka nga sa pagtulog mo? Okay lang naman yun Xandra asawa mo ko kaya normal lang yun" sabi ko at kinindatan siya
Inirapan niya ko "Nakakainis! Hoy wag kang assuming diyan wala akong pagnanasa sa iyo never ever! Tulog ako noon kaya wala ako sa sarili ko" sabi niya at biglang binato yung unan sa akin buti na lang di natamaan si Angel
"Hoy! Muntik ng matamaan si Angel doon ah! Baby oh si Mommy mo binabato ako ng unan" pagsusumbong ko kay Angel
"Dinamay mo pa talaga pati yung bata! Tsk! Makabangon na nga" sabi ni Xandra at tumayo na
"Saan ka pupunta?"
"Magluluto na ko ng almusal"
Niligpit ko muna yung kama tapos bumaba na rin kami ni Angel nagulat naman si Manang ng makita kami.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤