"Lola sinabi ko naman po kasi sa inyo na hindi ko naman kailangan magaral dito sa Maynila mas okay na nga ako sa probinsya natin"
"Hay Nako Apo! Mas maganda dito sa Maynila marami kang matututunan at marami kang makikilala huwag na makulit"
"Lola naman mamimiss ko kayo wala ng manggigising sa akin at magluluto sa akin ng mga baon"
"Xandra apo malaki ka na 19 years old ka na kailangan mo ding humiwalay kay Lola basta itong tatandaan mo nandito ka sa Maynila para abutin lahat ng mga pangarap mo dadalaw naman kami ni Harvey sa iyo siguro mga twice a month"
Niyakap ko si Lola..
"Ang swerte ko talaga sa Lola ko huwag kayong magalala La pagbubutihin ko pa ang pagaaral ko oh Harvey ikaw na munang bahala kay Lola Tess ah?"
"Opo Ate"
"Oh malapit na tayo sa bahay ng Tiya mo tara na"
Hello ako nga pala si ALEXANDRA MARTINEZ [Alexa Ilacad] 19 years old lumaki ako sa Probinsya kasama si Lola Tess at ang pinsan kong si Harvey kaming tatlo ang magpapamilya namatay na kasi yung mga magulang ko noong 2 years old pa lang ako dahil sa aksidente.
Napagtapos ako ng pagaaral ni Lola Tess hanggang High School ng may karangalan ako yung pinakamatalino sa batch namin kaya noong tumungtong ako ng college hindi ako nahirapang pumasok sa iba'tibang university dahil nakapagaaply ako ng Scholarship tulad ngayong lumipat ako sa Manila nakapagapply uli't ako ng Scholarship sa isang sikat na school sa DE GUZMAN SCHOOL OF COLLEGE
Gusto talaga ni Lola na dito ko ituloy yung college ko para daw masanay ako dahil tiyak dito rin ako magtatrabaho.
Hindi naman kami mayaman at hindi rin kami mahirap nabuhay kami sa sari-sari store ni Lola at pinapadalhan naman siya ng ilang mga anak niya na nakaabroad mga kapatid ni Mama.
Huminto kami sa isang bahay siguro nandito na nga kami.
"Tao po! Weng! Weng!" sabi ni Lola Tess
Agad namang lumabas yung isang babae eto siguro yung sinasabi ni Lola napangiti siya ng makita kami agad siyang pumunta sa gate at pinagbuksan kami.
Nagmano siya kay Lola.
"Hello po Manang Tess Kamusta po" sabi niya
"Okay naman ako Iha oh Xandra͵Harvey magmano kayo sa Tita Weng niyo" sabi ni Lola at nagmano naman kami kay Tita Weng
"Magandang Umaga po" sabi ko
"Anlalaki na nila Manang hali kayo pasok muna po kayo" sabi ni Tita Weng at pinatuloy kami
"Pagpasensyahan niyo na kung makalat kakaalis lang kasi nung mga gamit na gagamitin sa restaurant kanina" sabi ni Tita Weng
"Abay nagtuloytuloy pala ang restaurant mo Iha" sabi ni Lola
"Sa awa po ng Diyos Manang kumikita naman kaya napagawa ko na tong bahay namin" sabi ni Tita Weng
"Hindi na kami magtatagal Weng hinatid lang namin si Xandra dito ikaw na munang bahala sa apo ko huwag mo siyang pababayaan masipag na bata iyan sige Iha iwan ka na namin ni Harvey dito magtetext ka apo ah?" sabi ni Lola
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanficIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤