Xandra's POV
Monday na naman back to normal busy sa schoolworks busy nagdidiscuss yung prof namin ng biglang may kumatok sa pinto.
Nagulat ako ng makita kong pumasok yung isang lalake nagsmile siya sa aming lahat at nangibabaw yung dimples niya. ^_^ Ang cute naman halos tumili yung mga classmates ko sa kanya.
"So Class magiging classmate niyo si Mr.Arquiza sa ilang subjects since kakalipat niya lang sa school natin" sabi ng Prof natin
Napansin ko namang kinilig yung mga kaklase kong babae hay nako!
"Mr.Arquiza you can sit beside Ms.Martinez" banggit ng Prof namin
Did I just hear my name?!
MARTINEZ daw eh...
"Martinez?" tanong ni Brace
Napatingin naman ako sa kanya at saktong nagtama yung mga mata namin tinuro naman ako ng prof namin sa kanya at napatango na lang siya kilala na naman siguro niya ko dahil kay Mr.Yabang.
Napansin ko namang napatingin sa akin yung mga kaklase kong babae halatang naiinggit sa akin haha! Magdusa kayo!
Kaupo ni Brace sa tabi ko..
"Hi Xandra" bati niya habang nakangiti at inoffer yung hand niya
Bigla na lang akong napatunganga ng makita ko na naman yung dimple niya.. Ang gwapo niya super tapos ngayong kaharap ko pa siya..
Napatingin ako sa kamay niya
"Hello Brace" sabi ko at inabot yung kamay ko kaya nagshakehands kami parang may kung anong dumaloy sa kamay ko
The Whole Period magkatabi kami magkaklase kami sa lahat ng subjects since baguhan pa lang siya madalas siyang nagtatanong sa akin nahihiya pa nga ako feeling ko kasi ang awkward eh.. Nahihiya ako kay Brace bakit ba kasi ang gwapo niya..
LUNCH TIME...
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama sina Athena at Janelle ngayon hindi naman kasi sa lahat ng subjects classmates ko sila unlike si Brace soulmate ata kami! Joke ^_^
Busy akong nagaayos ng gamit ko ng biglang may kumalabit sa akin..
"Sabay na tayong maglunch" sabi niya at ngumiti
Ayan na naman yung dimple niya..
"Diba kasabay mo yung apat?" tanong ko
"Hindi naman kami kumpleto eh si Grae hindi pumasok kasi masakit yung pakiramdam si John naman may nilakad ng parents nya tapos si Zackrey at Joaquin sa labas sila maglalunch so wala akong kasabay kaya kung okay lang sa iyo sabay sana tayo" sabi niya at ngumiti napakamot pa siya sa ulo niya parang nahihiya pa siya
"Ah sige may mga kasama ako okay lang sa iyo?" tanong ko
"Oo naman mas masaya nga yung marami diba" sabi niya at ngumiti
"Alam mo hindi ka ba nangangalay kakangiti? Kasi kanina ka pa ngumingiti tapos ang lalim pa ng dimples mo" sabi ko
"Nasanay na kasi akong nakangiti eh Cute ba?" tanong niya at ngumiti na naman
Feeling ko nagblush ata ako sa ginawa niya kaya yumuko na ko at naunang maglakad sa kanya narinig ko namang tumawa siya ng mahina ano kaba! Xandra bakit sa harap pa talaga niya nagblush ka nakakahiya tuloy baka anong sabihin niya..
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
Fiksi PenggemarIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤