Chapter 42 : Official

3.7K 128 50
                                    

XANDRA'S POV

Nagising ako ng biglang magalarm yung cellphone ko kaya bumangon na ko laking gulat ko naman noong makita kong punongpuno ng iba'tibang kulay ng petals yung sahig.

Anong meron??? May pumasok ba ng kwarto ko alam ko nilock ko yung pinto ah! Chineck ko naman yung pinto at nakalock naman siya papaanong nagkaroon ng mga petals dito???

Binuksan ko na yung pinto at bumungad pa rin sa akin ang napakadaming petals kaya sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa rooftop.

O//O

Bakit andami namang balloons ngayon??? Nakaayos yung rooftop tapos napapalibutan ng iba'tibang kulay at shapes ng mga balloons ano bang meron??? Hindi ko namalayan ay napangiti na pala ako ang cute kasing tignan ng rooftop ngayon hindi ko naman birthday at hindi rin naman birthday ni Harvey at ni Lola.

Tapos may napansin akong isang table sa gitna tapos dalawang upuan tapos may mga pagkain sa table nilibot ko lang yung tingin ko sa paligid hanggang sa may tumawag sa pangalan ko.

"Xandra"

Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko his angelic voice <3 Agad naman akong lumingon at nakita siya...

Sino pa ba ang tinutukoy ko?? Si Zackrey nakauniform siya tapos may dala-dala siyang isang boquet ng flowers..

Nagsimula naman siyang kumanta habang papalapit sa akin

"Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life."

Magkaharap na kami ngayon so siya pala ang may gawa ng mga to ang ganda at ang galing ha? Hindi lang ako makapaniwala at ang isang Zackrey De Guzman ay nakagawa ng mga ganitong bagay.

"GoodMorning Xandra nagustuhan mo ba?" tanong niya sabay abot ng isang boquet ng red roses

Napangiti naman ako napakasincere niya kasi ngayon..

Tumango naman ako..

Bigla naman niya kinuha yung isa kong kamay...

"Xandra gusto kong sabihin sa iyo na mahal kita"

Nagulat ako sa sinabi niya mas lalong dumoble yung tibok ng puso ko tapos ramdam ko na lahat ng dugo ko umakyat pataas... Nagkoconfess ba siya??

"Alam ko nilabag ko yung number one Rule na ginawa natin na bawal mainlove pero Xandra simula noong naging malapit na tayo sa isa'tisa unti-unti ng nahuhulog yung loob ko sa iyo kahit sinubukan kong pigilan pero matapos yung gabing nagaway tayo noong iniwan muna ko doon naging klaro lahat Xandra na mahal na pala talaga kita" sabi niya at ngumiti

Tinignan ko yung mga mata niya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko aamin na din ba ako sa kanya?? Ibig sabihin ba nito hindi na niya mahal si El ako na yung mahal niya??...

"It's okay Xandra kung nagugulahan ka pa handa naman akong maghin--"

Hindi ko na siya pinatapos dahil agad ko siyang niyakap..

"Mahal din kita Zackrey"

Pagkawala namin sa yakap hindi makapaniwala si Zackrey sa sinabi ko.

"Mahal mo rin ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Zackrey

Tumango naman ako at ngumiti tapos niyakap niya ko uli't..

"I love you Xandra mahal na mahal kita"

"I love you too Zackrey"

Pagkatapos ay inalalayan niya kong maupo para kumain na kami..

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon