ZACKREY'S POV
Grabe ang bilis ng mga pangyayari unti-unti na kaming nabubuking ni Xandra nagaalala na tuloy ako sa kanya alam ko napakahirap sa kanya na pumasok sa mundo ko gaya na lang noong nangyari kanina mabuti na lang talaga at dumating ako.
Kanina bago umuwi sinalubong ako ni Brace nagusap kami tungkol kay Xandra nagulat ako doon sa huli niyang sinabi na kapag may namamagitan daw sa amin ni Xandra kalimutan ko na daw ang pagkakaibigan namin which is mahirap.
Gulong-gulo ang isip ko ngayon hindi ko naman pwedeng sisihin si Xandra dahil parehas namin hindi ginusto yung mga pangyayari siguro hindi lang talaga kami nagingat nagsimula ang lahat ng ito noong magpasama ako sa kanya sa Photoshoot kung una pa lang inisip ko yung mga pwedeng mangyari hindi na sana umabot sa ganito.
Kaya kailangan kong protektahan si Xandra sa mga oras na ito alam ko napakahirap para sa kanya.
Dumaan muna ko sa isang mall para bumili ng pizza pagbibigyan ko si Xandra para naman kahit papaano ay makabawi ako sa asawa ko dahil alam ko maraming problema pa ang bumabagabag sa kanya.
After how many minutes nakauwi na rin ako nadatanan ko si Manang na naglilinis sa labas ng bahay.
"Hello po Manang si Xandra nakauwi na po ba?"
"Kanina pa kaso hanggang ngayon hindi pa bumababa yung asawa mo nasa kwarto pa rin niya baka nagrereview"
"Sige po Manang"
Pumasok na ko ng bahay nilagay ko na muna yung dala ko sa may dinning area tsaka pumanik para tignan si Xandra.
Kumatok ako ng ilang beses pero ni hindi siya sumasagot kaya minabuti ko ng buksan yung pinto tutal hindi naman siya nakalock.
Nakita ko namang mahimbing na natutulog si Xandra mukhang napagod siya buong araw.
Hindi ko alam pero may nagtulak sa akin na lapitan siya nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siya nawala yung ngiti ko ng mapansin na parang nanginginig si Xandra.
Agad akong lumapit sa kanya "Xandra͵͵ Xandra ayos ka lang?" tanong ko tska kinapa yung noo at leeg niya ang init niya
May lagnat si Xandra may lagnat ang asawa ko hindi ko alam ang gagawin ko first time lang mangyari sa buong buhay ko to kahit noong kami ni El never ko siyang inalagaan ng ganito.
Agad akong bumaba para kumuha ng basin tapos naglagay ako ng malamig na tubig dito tsaka kumuha ako ng towel napansin naman ni Manang yung ginagawa ko.
"Anong meron Zackrey?" tanong ni Manang
"Manang si Xandra po nilalagnat eh ano pong gagawin ko?" tanong ko
"Nakoo! Iyan hilamusan mo siya ng malamig na tubig ipagluluto ko ng soup si Xandra para makainom na rin siya ng gamot ako na ang magaakyat hilamusan mo na muna ang asawa mo para bumaba yung init" sabi ni Manang
Tumango naman ako tsaka bumalik sa kwarto ni Xandra kinapa ko uli't siya at talagang mainit pa rin siya.
May bigla namang sumagi sa isip ko parang naulit na yung ganitong eksena.
Tama! Noong nagpanggap ako na lasing tapos inalagaan ako ni Xandra napangiti naman ako ng maalala iyon.
"Zackrey" mahina at matamlay na tawag sa akin ni Xandra nagising na pala siya
"Xandra antaas ng lagnat mo ano bang nangyari?" tanong ko habang sinimulan ko ng punasan yung kamay niya
"Hindi ko alam kauwi ko bigla na lang sumakit yung pakiramdam ko tapos humiga ako"
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤