Chapter 5 : Ikaw na naman ?!

5.5K 143 34
                                    

XANDRA'S POV

"ExtraIncome din po yun La tsaka sayang din kasi may incentives kaya tinanggap ko na"

(Basta ba kakayanin mo iyan apo tsaka baka mamaya maloko yang itututor mo Magingat ka naku)

"Si Lola talaga keringkeri ko iyan ako pa huwag kayo magalala La kaya ko to"

(Alam ko naman eh basta wag mo na kaming intindihin dito Xandra okay kami ni Harvey dito ang intindihin mo eh yang sarili mo)

"Sige po La malelate na ko sa school Bye Lola Loveyou Ingat po kayo diyan"

(Magiingat ka din diyan Apo! Iloveyou)

"Couz medyo gagabihin ako mamaya start na kasi ng pagtututor ko mamaya pakisabi na lang kay Tita ha?" sabi ko kay Kyla

"Sige couz walang problema basta magiingat ka"

"Sige Bye Couz" sabi ko at nauna na sa kanya mamaya pa kasing tangahali yung pasok niya kaya nauna na ako

Dating gawi sakay ng jeep then hinto sa harap ng school then bago pumasok ng school pansinin si Manong Guard.

"GoodMorning Manong Guard!" sabi ko at ngumiti kay Manong Guard

"GoodMorning din Xandra!" bati naman sa akin ni Manong Guard at pumasok na ko

Papunta na ko ngayon sa room namin ng biglang may nanggulat sa akin.

"Ay! Anak ka ng kabayo!"

"Sa gwapo kong to?" sabi ni Paul at nagpuppy eyes

Kinurot ko nga yung pisnge niya.

"Ikaw naman kasi nanggugulat ka diyan" sabi ko

"Eh trip kong gulatin ka eh" sabi niya at umakbay sa akin

Medyo kinilig at nagulat ako doon haha ^_^

Tinignan ko yung kamay niya..

"Ano iyan?" medyo mataray kong tanonh

"Kamay" pilosopo niyang sagot

Siniko ko nga...

"Aray! Ano ba iyan umagangumaga ang sungitsungit mo" sabi ni Paul

"Whatever" sabi ko at naglakad na

Hinabol naman niya ko..

"Joke lang eto naman"

Tinignan ko lang siya at pinagtaasan ng kilay..

"Sungit mo talaga pero diba mamaya na start nung tutorial class mo?"

"Oo bakit?"

"Ingat ka ah baka kasi loko-loko yun sabihin mo lang kundi"

"Ikaw talaga.. Huwag ka magalala kaya ko na yun"

"Sure ka? Ahm hintayin na lang kita baka kasi gabihin ka"

"Huwag na kaya ko na sarili ko huwag ka ng makulit please"

"Sige na nga! Hatid na lang kita ngayon ah!"

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon