Chapter 18 : A Day with Brace

4.9K 108 78
                                    

XANDRA'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw medyo late na rin kaming umuwi kagabi nanood pa kasi kaming Movie tapos naglaro pa odiba? Happy Kid!... Nagpasundo pa rin ako kay Manong kahit na sinasabay na ako ni Mr.Yabanag mahirap na baka ano pang sabihin nila.

May bigla namang nagtext sa akin..

'From: Brace

GoodMorning Xandra sunduin kita ng 9am san ba bahay niyo? :)'

Oo nga pala! Ngayon yung Family Reunion nila Brace at sinasama niya ko! OMG! Nawala sa isip ko teka?! Saan nga ba ako papasundo hindi naman pwedeng dito baka makita pa niya si Zackrey magtaka pa yun.

Ah! Sa school na lang sasabihin ko na lang na may kukunin ako kay Dean aagahan ko na lang yung punta doon.

'To: Brace

Hi Brace! Sige sa school na lang may ibibigay pa kasi ako kay Dean kaya doon na lang :)'

Tapos nagreply lang siya ng 'Okay sige' ...

Bumaba na muna ko para magbreakfast 8am pa lang naman keri pa to.. Nadatnan ko namang kumakain si Mr.Yabang himala ang aga niya ngayon.

"GoodMorning Ms.Sungit" sabi niya

"GoodMorning din Mr.Yabang" sabi ko

Kumuha na ko ng bowl tsaka nilagay doon yung cereals at milk pagkatapos ay umupo na ko sa tabi niya at nagsimulang kumain.

"Nagmamadali ka ata?Saan lakad mo ngayon?" tanong niya

"Ah may lakad kami ni Brace" sabi ko

Bigla naman naging seryoso yung mukha niya..

"Brace?"

"Oo bakit?"

"Saan naman kayo pupunta?"

"Family Reunion nila sinasama niya ko"

"Sumama ka naman kaya nga family reunion diba? Kailan kapa naging parte ng family nila?"

"It's none of your business" sabi ko at inirapan siya

"Nagpasundo ka?"

"Hindi alam ko naman yung gagawin ko osige kailangan ko ng magpanganda para kay Brace" sabi ko at kumindat sa kanya

"Feeling mo naman magugustuhan ka ni Brace" sabi niya at ngumiti

I just ignore him umakyat na ko sa kwarto ko para maligo at magbihis nagsuot lang ako ng simpleng dress pagkatapos ay nagflats lang ako kinuha ko na yung bag ko tsaka bumaba.

Bigla naman bumungad sa harap ko si Zackrey.

"Saan ka nagpasundo?" seryosong tanong niya

Tinignan ko lang siya..

"Sa school" sabi ko

"Hatid na kita" sabi niya at tinalikuran ako

Himala! Ano na naman kaya pumasok sa isip niya at naisipan akong ihatid. 8:45 pa naman siguro wala pa si Brace.

Nakapambahay lang si Mr.Yabang nakawhite tshirt lang siya tsaka shorts pero kahit ganoon pa man din mapipinta mo sa hitsura niya yung kanyang kagwapuhan.

Kasakay ko ng kotse pinaandar na niya yung kotse.

"May gusto ka ba kay Brace?" nagulat naman ako sa tanong niya

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon