XANDRA'S POV
Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko si Paul mukhang galit na galit siya paano ba naman siya hindi magagalit eh mukhang kanina niya pa kami pinapanood ni Zackrey.
Napatingin ako kay Zackrey maging siya nagulat ng makita si Paul hindi naman talaga namin inaasahan oo alam ko nagkamali ako engage ako sa tao tapos nagawa ko pang patulan si Zackrey. Magulo hindi ko naman ginusto na maging ganito mahal ko si Zackrey at ayaw kong mawalay uli't sa kanya si Paul? Hindi ko alam matapos ko siyang makita ngayon parang nagiguilty ako feeling ko ang sama-sama kong tao.
Sa dami ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasuntok na pala ni Paul si Zackrey.
"Gago ka! Engage na kami ni Xandra pero nilandi mo pa?! Kaya ayaw kong umuwi kami ng Pilipinas dahil alam ko babalikbalikan mo siya" galit na sabi ni Paul
Napahawak naman si Zackrey sa labi niya na siyang nasuntok ni Paul.
"Paul tama na" sinubukan ko siyang awatin pero sinamaan niya lang ako ng tingin tapos biglang tinulak si Zackrey at sinuntok kaya ayun napahiga sa sahig si Zackrey.
Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon hindi ko namalayan na napaiyak na pala ako dalawang lalake ang nagtatalo ng dahil sa akin nagiguilty ako bakit pa kasi pumasok ako sa ganitong sitwasyon.
"Mahal ko si Xandra Paul alam mo iyan siya lang ang babaeng mahal ko" sabi ni Zackrey
"Mahal mo mukha mo engage na kami tigilan mo na siya!"
Akmang tatadyakin sana ni Paul si Zackrey ng bigla akong humarang at niyakap si Zackrey.
"Tama na!" sigaw ko
"Xandra"
Tinignan ko yung mukha ni Zackrey dumudugo yung labi niya tapos may pasa pa siya.
"Zackrey I'm sorry" sabi ko
"Xandra wala kang kasalanan mahal kita"
Nabigla naman ako ng bigla akong hatakin ni Paul dahilan para malayo ako kay Zackrey.
"Xandra! Huwag mo namang gawin sa akin to?! Nawala ka lang ng ilang araw tapos makikita ko na kayo na ni Zackrey?! Xandra mahal kita" sabi ni Paul
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko kay Paul alam ko nasaktan ko siya ng sobra-sobra.
"Paul I'm sorry" sabi ko at sinubukang tanggalin yung pagkakahawak sa akin ni Paul kasi ang higpit sobrang sakit
"Bitawan mo siya ano ba?!" sabi ni Zackrey at hinawakan yung isa kong kamay
"Hindi ka sasama sa kanya Xandra! Sa akin ka sasama kailangan nating magusap" sabi ni Paul at napatingin ako sa kanya
"Xandra huwag kang sumama sa kanya baka saktan ka lang niya" sabi naman ni Zackrey at napatingin din ako sa kanya
Kanino ako sasama? Kay Paul o kay Zackrey??? Ang hirap naman ng ganito inaamin ko parehas silang mahalaga sa akin parehas silang napamahal sa akin yun nga lang mas mahal ko yung isa sa kanila.
"Xandra" sabay nilang sabi napatingin naman ako sa kanilang dalawa
Napabuntong hininga ako nakapagdesisyon na ko.
Unti-unti kong tinanggal yung hawak ng kamay ni Zackrey sa kamay ko napakunot noo naman siya ng gawin ko iyon tapos napatingin ako kay Paul at nakita ko siyang nakasmirk.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Marriage [NLex Version]
FanfictionIsang Pag-ibig na nabuo sa isang di inaasahang pangyayari ❤