Chapter 13 : Let's Get Married

4.9K 106 17
                                    

XANDRA'S POV

"Matindi ang mga tinamong sugat ng Lola mo iha kailangan ng medication at operation para maibalik muli sa dati ang kanyang kalagayan sa ngayong mahina pa siya at under observation pa ang Lola mo"

"Dok ibig sabihin po ba niyan malaki yung magagastos namin kasi kailangan pa ng medication at operation?" tanong ko

"Oo iha plus the bill in the hospital pag hindi natin ginawa yun manghihina ang Lola mo"

"Sige po Dok basta gawin niyo po lahat ng makakaya niyo para kay Lola pagalingin niyo po siya"

"We will do our best iha sige mauna na muna ako sa inyo"

"Ate saan naman tayo kukuha ng perang pambayad sa mga gastusin ni Lola?Edi ba kulang
pa nga yung nahiram mo kela Tita Weng?" tanong ni Harvey

"Hindi ko din alam Harvey basta mapagamot lang natin si Lola maghahanap ako ng trabaho lahat gagawin ko maging okay lang si Lola" sabi ko

"Ate Sorry kasalanan ko to kung sanang sinamahan ko si Lola sa palengke baka hindi siya nagkaganyan ngayon" sabi ni Harvey at nagsimula ng umiyak

Niyakap ko siya..

"Tahan na Harvey huwag mo ng sisihin ang sarili mo walang may gusto sa nangyari bahala na si Lord sa taong may gawa niyan kay Lola" sabi ko

Biktima si Lola Tess ng Hit-And-Run namamalengke siya kaninang umaga ng bigla na lang siyang mabundol ng isang kotse ni hindi man siya tinulungan nung driver sa halip ay tinakasan si Lola gustuhin ko man magalit pero wala naman akong magawa kasi kahit sino hindi nila kilala yung bumangga kay Lola basta ipinagdarasal ko na lang na si Lord na lang ang bahala sa kanya.

Umuwi muna kami ni Harvey para magpahinga gabi na rin kasi pinaligo ko muna siya habang ako naman ang nagluto ng hapunan namin .

Naalala ko tuloy si Lola nakakamiss siya kung nandito lang yun malamang tinutulungan na ako noon hay sana gumaling na siya.

Pagkatapos ko magluto ay kumain na kami ni Harvey...

"Ate Xandra nakakamiss si Lola noh? Kung nandito lang iyon sigurado ako kwekwentuhan na naman niya tayo sa lovestory nila ni Lolo"

Madalas kasing ikwento ni Lola sa amin ni Harvey ang kanilang lovestory ni Lolo ang sweet nga nila kahit wala pa kaming masyadong alam sa pagibig ay nagagawa na naming kiligin.

"Sinabi mo pa haha miss ko na yung luto ni Lola kaya pagpasensyahan mo na muna yung luto ko"

"Naku! Ate ansarap kaya ng luto mo pwede ka ng magasawa haha"

"Sira ka talaga Harvey"

"Ate diba may klase na kayo bukas hindi ka ba luluwas ng Maynila?"

"Hindi na muna siguro kailangan ako ni Lola ngayon"

"Pwedeng pati ako Ate hindi muna din ako papasok bukas?" nakangiting pahayag ni Harvey

"Hindi pwede! Pumasok ka bukas kung nandito lang si Lola malamang galit na sa iyo yun"

"Joke lang ate sige ate ako ng maghuhugas ng pinggan"

"Sigurado ka?"

Tumango lang si Harvey

Naligo muna ko tapos nagisipisip kung anong trabaho ang pwede kong pasukan para makapagipon ng pera alam ko hindi ganoon kadali yun pero para kay Lola gagawin ko. Kung noon siya ang nagsusumikap para maipagaral ako ngayon ako naman ang magsusumikap para maipagamot siya.

The Unexpected Marriage [NLex Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon