Nica.
Naaawa ako kay kuya nakipag break sa kanya si ate Dennise,hindi lang nya pinag explain si kuya. Hmm naging cold lang naman si kuya kasi alam nyo na!
Nandito nga ako ngayon sa labas ng school kakarating ko lang kasi eh. Si kuya hindi pumasok kasi nga hindi nya matanggap na hiniwalayan sya ni ate,pero alam ko makakapag move on din sya,kami.
Ok lang naman sa kin na kinwento nina Hazel kay Ace yung nangyari sa past ko,kasi kaibigan na rin namin si Ace.Alam ko naiintindihan nya ako,nag aadvice sa love eh.
(Music:Ngayo'y naririto by:Jay-R)
"Nica?" Sigaw ng nasa likod ko.
Tumingin ako sa likod ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si...
"Christian?" Ngumiti ito sa kin at kinamot nya ang batok nya.
"Sorry sa nangyari ha? Sana mapatawad mo ko! Nica,mahal pa rin kita" sabi nya habang naka tingin diretso sa mga mata ko
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya! Ako? Mahal pa nya? Baka naka inom ito. Hinding hindi ko sya mapapatawad sa mga kalokohang ginawa mo.
"Nahihibang ka ba? Ako? Mahal mk pa rin? Eh hindi mo nga ata ako minahal! Sa ating dalawa ako lang ang nagmahal,atsaka kung talagang mahal mo ko hindi mo ako sasaktan" sagot ko
"Nica,andito ka na pa---.... Christian? Bakit kayo nag uusap?" Ani Hazel,naka tingin pa rin kami ni Christian sa mata ng isa't isa.
Namumuo na ang mga luha sa mata ko,nag flaflashback sa kin yung mga panahong nalaman ko na naka buntis sya!
***Flashback***
Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan dapat kami magkikita ni Christian,mag fi-fifteen minutes na ako andito.
Sa di kalayuan nakita ko sya na palapit na,nginitian ko sya pero hindi sya tumugon.Meron syang kasamang babae sa likod nya,teka sya yung nakita ko ah yung nakikipag halikan kay Christian.
Tumayo ako sa upuan ko at lumapit kay Christian,"Loves"bati ko sa kanya.
"Loves" sagot sin nito naka ngiti ito pero alam kong pilit lang yun.
"May problema ba? May sakit ka ba ha?" Nag aalalang tanong ko,lumapit sya dun sa babae at sabay silang lumapit sa kin.
"Loves patawarin mo ko hah?" Nalilito na ako sa sinasabi ni Christian,ano bang sinasabi nito?
"Hah,ano ba yun? Just straight to the point" nalilitong tanong ko.
Yumuko ito,"Patawarin mo ko Loves,naka buntis ako! Sorry hindi namin sinasadya na lasing ako at nalasing din sya hindi namin sinasadya na may mangyari loves,please maniwala ka. Hindi namin sinasadya"Lumuhod na ito sa harap ko,nanlaki ang mata ng bavaeng kasama nya.Pinag titinginan na kami ng mga tao pero wala kaming pakialam.
Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi nya,hindi ito magandang biro at hindi rin ito magandang panaginip.Masamang bangungot ito.
"Tumayo ka dyan,tumayo ka" tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan,tumayo naman sya at tumingin ng diretso sa kin. Iyak rin sya ng iyak. Tumingin ako sa babaeng katabi nya."Anong pangalan nya?"
"Angel,sya yung nabuntis ko"
"Alam mo ba nakita ko na kayong nakikipag halikan pero hindo ako nagsalita kasi ayaw kong masira yung relasyon na iniingatan ko,kahit na nagbubulag bulagan ako nag bibingi bingihan ako hindi ako nagsalita kasi mahal na mahal kita. Tapos malalaman ko na naka buntis ka pala? Langya,sana man lang naawa ka sa kin! Sana inalala mo kung anong mararamdaman ko,pero wala eh hindi mo napigilan ang sarili mo. Kasi nga hindi mo ako mahal" sigaw ko
"Lasing ako non,lasing kam--"
"I dont need you're explanation,I'm breaking up with you! Magpaka saya kayo! Magsama kayo! " sigaw ko tumapat ako kung saan si Angel at nagsalita sya
"Pasensya na,hindi namin sinasadya yun. Naka inom lang kami nun,patawar---"
"Ikaw? Angel pa naman pangalan mo,pero hindi ka anghel. Hindi ka nararapat sa langit tandaan mo yan. Kung masaya kana na buntis ka ng boyfriend ko oww what i mean ex boyfriend ko,edi go magpakasaya kayo sino ba naman ako para tutulan ko kayo" sagot ko sabay lakad
***End of Flashback***
"Hindi ka na ba nadala? Ha? Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na kung talagang mahal mo ko hindi mo ako lolokohin" sagot at naglakad na,naka tulala lang sya habang naka tingin sa kin.
Tumalikod na ako kasi hindi ko na mapigilan yung luha ko.
"Shhh...tama na Nica,yun talgang ex boyfriend mo na yun! Hay naku! Naiinis na ko ha" ani Hazel
"Oh bakit ka umiiyak Nica?" Tanong ni Harvey kasama nya si Ace halata sa mga mata nila na nag aalala sila para sa kin.
"Yung magaling kasing ex,ang kapal ng mukha" Hazel
Lumapit sa kin si Harvey at niyakap ako."Shhhh... Tahan na Nica tahan na"ani nito
"Saan ba yung ex mo? Tara lumpuhin natin" ani Ace
"Game ako dyan" Hazel
"Sabihin na lang natin ito kay Jayden" Harvey
"No,wag please meron na syang problema" hindi pwede na malaman ito nit kuya masyado na syang problemado
"Eh bakit?" Hazel kumalas ako sa pag kakayakap kay Harvey at tumingin ako sa kanila,naka tingin lang din sila sa kin.
Kailangan nilang malaman ito,kaibigan din nya sila."Nakipag break si ate Dennise kay kuya"nagulat sila Harvey at Hazel,habang si Ace naman halatang nalilito,"Ace,si ate Dennise girlfriend ni kuya yun.2 years na sila"mukhang nakuha naman na nya
"Eh bakit daw?" Hazel
"Sinong naki pagbreak?" Harvey
"Si ate Dennise sya ang nakipag break dahil nagiging cold na daw si kuya sa kanya atsaka parati na lang daw syang hindi sinisipot ni kuya sa mga lakad nila. Pero kaya naman naging cold si kuya kasi nung last na date nila eh wala pang tulog si kuya nun,pumunta lang aya para hindi ma disappoint si ate sa kanya.Palagi syang puyat kasi sya yung gumagawa ng mga dapat gawin ni mommy kasi busy si mom,tutal sya rin naman na daw yung susunod na mag mamanage ng kumpanya kasi mag gragraduate na daw sya.Hindi man lang sya pinag explain ni ate Dennise." Malungkot na sabi ko
Kailangan kong maka usap si ate Dennise!
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Novela JuvenilSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?