Nica.
Hay! Andito na ako ngayon sa bahay. Nag kwentuhan pa kami ni Ace kaya napa saya naman nya ako kahit papaano!
Ngayon ko lang na realize na maganda pala syang kasama,kasi dati hindi ko sya masyadong pinapansin. Snober kumbaga,pero tingnan mo naman napag titiisan pa nya ako di ba?
Loyal pala sya! Stick to one sya,type ko nga sya eh. Umm wait! Pano ko nalaman na loyal sya? Eto lang yon
***Flashback***
"Salamat,salamat Ace"
"Walang anuman,basta ikaw" naka ngting wika nito
"Oh! Ikaw anong kwento ng love story mo?"pabiro kong sabi
" ako?alam mo naman na di ba? Wala pa akong naging syota. Hinahanap ko lang talaga yung babaeng para sa kin talaga! Yung ibibigay ng Dyos,kung sino man sya okay lang. Kahit ano mang nangyari sa kanya sa nakaraan handa kong tanggapin yun kasi mahal ko sya,wala namang perpekto sa mundo di ba? Lahat tayo nagkaka mali. Hindi porket may tama may mali at hindi rin pwede na sa bawat oo may hindi."sagot nito habang naka tingin sya diretso sa aking mga mata
"Masyado kang seryoso noh?" Nka ngiting wika ko
"Basta para sa babaeng pinaka mamahal ko" sagot nito
"May mga nagustuhan ka na ba?"
"Oo! Dalawa!" Mabilis na sagot nito
"Sino?" Grabe naman dadalawa lang ang babaeng nagusyuhan nya
"Yung dati si Angel" bigla na lang sumeryoso yung kaninang naka ngiting mukha nya
"Eh anong nangyari?"
"Matalik ko syang kaibigan dati,lagi kaming magkasama sa pag uwi,sa pagla lunch at sa pag gawa ng mga projects at homework,parang girl bestfriend ko na sya kumbaga! Pero isang araw hindi na sya pumasok akala ko may nangyari lang pero hindi eh,naging tuloy tuloy yung pagiging absent nya sa klase. Ang huli kong balita sa kanya eh nabuntis daw sya. Pero ewan ko lang kung totoo yun,alam mo naman ang tsismis di ba?" Sagot nito
"Grabe ka pala noh! Eh yung pangalawa sino?"
Tumingin ito sa kin naka seryosong mukha pa rin ito,"Ika--....ahm,ano yung pa--pangalawa sya yung gusto ko ay mali mahal ko pala ngayon. Oo tama yun yon"nauutal nyang sabi,halos hindi na nga sya mapakali eh.
"Mahal? Sino yang babaeng yan? Ang swerte nya naman"
"Oo mahal. Pero secret na lang kung sino sya. Swerte sya sakin? Huh! Hindi ah ako ang swerte sa kanya"
"Paano mo naman na sabi?"
"Maganda na nga mabait pa,nasa kanya na kasi lahat eh kaso...."
"Kaso?"
"Broken hearted din sya katulad mo!"
"Hmm,mahirap nga yan"
***End of Flashback***
Ang swerte naman nung babaeng mahal ni Ace.
***ACE P.O.V***
Ano ba naman muntikan ko ng masabi kanina na sya yung babaeng mahal ko! Lintek naman oh! Pero sana hindi nya na halata
"Kuya?anong iniisip mo?'Kattey,andito sila ngayon sa kwarto ko
" kaya nga kuya,anong iniisip mo?" Kate
"Wala"
"Kuya?si ate Janica kamusta na kayo?" Kattey
"Ay oo nga pala kuya di ba sabi mo nililigawan mo si ate Janica." Kate
Ayy oo nga pala,anong gagawin ko? Nasabi ko nga pala yun sa kanila at hindi lang sa kanila pati sa mga kaklase namin! Ano ba yan? Di kasi ako nag iisip eh,sinabi ko na agad yung gustong sabihin ng bibig kong ito!
"Umm mga bata yung sinabi ko na nililigawan ko si ate Janica nyo ay--"
"Hindi mo na sya nililigawan kaso kayo na?" Kattey
"Ganun ba yun kuya?" Kate
Hala! Hindi ba naman pina tapos yung sinasabi ko. Grabe na ang mga bata ngayon hindi na pinapatapos ang sinasabi ng mga gwapo.
"Sandali ha? Pag salitain nyo muna si kuya okay?"
"Okay!" Sabay nilang sabi
"Hindi ko nililigawan so ate Janica nyo. Mag kaibigan lang kami." Paglilinaw ko
"Sayang friends lang" kate
"Kaya nga eh,boto pa naman ako kay ate Janica" kattey sabay pout
"We like ate Janica for you kuya!" Malungkot nilang sabing dalawa
Haha! Cute! Hayaan nyo sa tamang panahon totoong liligawan ko na ang ate Janica nyo.
Ang sarap pa lang isipin na ang mga kapatid mo ay boto sa taong mahal mo noh! Nakaka excite tuloy na manligaw. Ano ba yan kinikilabutan na ko sa mga sinasabi ko! Nakaka bakla! Pakshet!
"Pero kuya gusto mo ba si ate Janica?" Kattey,sabay bigay sa kin ng nakaka lokong ngiti.
Hays ano ba yan? Para akong nasa hotseat! Ang dadaldal talaga ng mga ito! Saan kaya ako nagmana?
"Or di kaya mahal mo na?" Kate
"Hoy! Hoy! Hoy! Kayo ha? Anong pinag sasabi nyo dyan? Eh ang babata nyo pa ah? Saan nyo napupulot yan ha?" Pag chachange topic ko
"KUYA HINDI PO NAMIN ITO PINUPULOT SINASABI PO! ATSAKA SAAN PO KAMI MAKAKA PULOT NG MGA SALITA?" Sabay nilang sabi
Aba! Aba! Pinipilosopo ba ako ng mga kapatid ko?
(A\N: Hindi Ace talagang ganyan lang sila)
Talaga po Ms.Author?
(A\N: Ay hinde hinde!)
Ay hindi po ba?
(A\N: Ayy shonga! Pinipilosopo po kita Mr.Jimemez)
Nay oh si Ms.Author pa epal! Ipopost ko ito sa peysbook eh!
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Teen FictionSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?