Chapter 29 - Meet Her

293 8 0
                                    

Janica.



Agad akong naligo at nagbihis. Nang matapos na ako ay bumaba na ako para kumain ng almusal.


"Goodmorning kuya, mama." Bati ko sa kanila, umupo ako sa may dining table.


"Good morning." Bati ni mama habang naglalagay ng palaman sa tinapay

"Wag ka ngang umupo dyan. Dito ka sa upuan." Sabi ni kuya sabay turo ng upuan ko.


"Wala bang good morning dyan?! Sermon agad?!" Sarcastic kong sabi.


"Edi good morning." Pabalang din nyang sabi.


Etong kuya kong toh. Minsan matino minsan may sayad. Pero minsan mas gusto ko yung matino sya e.


Agad akong tumayo at naglakad patungong upuan ko. Padabog pa nga e.

"Oh kain na." Sabi ni mama kaya kumain na ako. Si kuyw kasi lumalamon na.



"Oh? May lakad ka?" Tanong ni kuya sabay kagad nya ng tinapay


"Seriously?! Wag ng tanungin ang obvious." Sabi ko



"Nagtatanong lang e." Sabi naman nya sabay pout.
Yuck! kadiri.


"Saan ba ang lakad mo?" Tanong ni mama

"Sa starbucks po. Magkikita po kasi kami ni, Ace."


"Ahh. Okay." Sabi ni mama sabay ngiti.


Eh?


Nang matapos na ako sa pagkain ay tumayo na ako. Kunti lang naman kinain ko e. Inayos ko na lang ang sling bag ko. At hinarap sila.


"Alis na po ako." Pagpaalam ko at hinalikan silang pareho sa pisngi.


"Wag ka ng babalik ah!" Pang asar ni kuya.



"Che! Paki mo!" Sabi ko bago naglakad palabas ng bahay.





Hindi ako sumakay sa sasakyan namin kasi day off ni manong ngayon kaya ayun. Nagcommute ako papuntang starbucks.




Sino ba yung ipapakilala nya?! Kinakabahan na ako ha! Sobra! Bakit ko ba toh nararamdaman?





May tiwala ako kay Ace alam ko na hindi nya ako ipagpapalit sa iba. He loves me so much and so I did. I trust him more than myself. Alam ko sya na talaga yung para sa kin kahit na kami palang. Ang lakas ng tiwala ko dun.





"Ma'am andito na po tayo." Sabi ni manong driver kaya inabot ko na ang bayad ko, ngumiti ako sa kanya at lumabas na ng taxi.



Naglakad na ako papunta sa loob. Nang maka pasok na ako ay inilibot ko ang aking paningin sa buong sulok ng starbucks. At nakita ko sya kumakaway sa kin. May kasama sya, babae. Hindi ko makita ang mukha nito dahil naka talikod sya sa direksyon ko.




Naglakad na ako palapit kay Ace habang ang lawak ng ngiti ko. Kahit nagkita na kami kahapon na miss ko na sya agad.



Tumayo naman sya sa kinauupuan nya at sinalubong ako ng yakap na sobrang higpit. Ng kumalas kami sa pagkakayakap ay hinalikan nya ako sa aking noo.





"I love you." Sabi nya




"I love you too." Pabalik kong sagot.



Napadako ang tingin ko sa babaeng nasa table nya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitako sya. Sya?! Nanaman?!



"Babe, sya si Angel. Bestfriend ko. Angel sya si Janica, girlfriend ko." Paliwanag ni Ace







Sya?! Bakit sya pa?! Bakit?! Itong babaeng ito pa.




Nakita ko sa mga mata nya ang takot at pagka kaba. Pero ngumiti ito ng alanganin sa kin.




Act like normal, Janica. Inalis ko ang lahat ng expression sa mukha ko at ngumiti sa kanya. Na para bang walang nangyari.







"Nica to meet you, Angel." Naka ngiting bati ko.







Lumapit ako sa kanya at kuwari hahalikan ko sya sa pisngi. Galit na galit ako sa kanya.






Lumapit ako sa tenga nya sabay bulong ng...












"Long time no see, Angel. May balak ka rin bang ahasin si Ace kagaya ng ginawa mo kay Christian? Magpapa buntis ka ba ulit ha? Kung gusto mo syang ahaain hindi na ako papayag dun. Kinuha mo na ang una kaya tama na ang isa. Kung ayaw mong sabihan kita ng malandi."

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon