***Janica's Point Of View***Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.
"Ano? Pumapayag ka?" Tanong nya sa akin habang naka ngiti agad naman akong tumango sa kanya at ngumiti
"Basta wag mo lang akong papaasahin, at sasaktan. Dahil ngayon lang ulit ako magtitiwala sa isang lalaking katulad mo." Ani ko.
"I will never hurt you! That's my promise!" Sagot nya. "Tara na, lunch na tayo?" Pag aya nya kaya pumayag na ako.
Hinawakan nya ang kamay ko kaya medyo nagulat ako sa ginawa nya at tumingin sa kanya. "Trust me."
"I will."
Naglakad na kami papuntang cafeteria na magkahawak ang kamay. Yung mga tingin nang mga estudyante dito. Hay! Naku!
"Guys!" Sigaw ni Ace sabay palakpak dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon nang lahat. Anong gagawin nito?
"I will announce to you that. *sabay tingin sa kin* From today, I will court, our student council president, our in second rank of Business Management, my strength,
my life, my world, and my love. Janica Lopez."Pakiramdam ko sobrang namumula na ako. Ipagsigawan daw ba? OXYGEN! PLEASE! HINDI AKO MAKA HINGA!!!!
"Yiiiieeeeeee"
"Sabi na nga ba, kayo rin e."
"Myghad! I'm so kinikilig na!"
"Ohhhhh! So sweet!"
"Taken na si papa Ace."
"Shunga! Court nga di ba?"
"Wala na tayong pag asa kay Janica, pre."
"Naunahan tayo e."
Natawa na lang kami ni Ace sa mga inaasal nila. Talaga ba? Para silang na busted ah!
"Oy kayo ah! Ikaw Ace, nililigawan mo na pala si Nica." Pagmamaktol naman ni Hazel
"Brad! Hindi ka na torpe!" Sabi naman ni Harvey
Torpe?
"Ahm, Janica. Alam pala nila na mahal kita." Sagot naman ni Ace. Mind reader?
"Ikaw, Nica ah, nangangamatis ka na dyan! At ikaw Ace, take care of her, just love her as much as you can. I will give you my blessing." Wow kuya, ikaw ba yan?
"Oo, baya-- este Jayden." Sagot naman ni Ace
"Bayaw pala ah." Bulong ni Harvey pero narinig naman namin.
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Teen FictionSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?