Chapter 28 - Dream

300 9 1
                                    

Janica.


Nagpalit agad ako ng damit para makapunta sa bahay nila, Ace. Excited na kasi akong makita sya.

Bumaba ako ng hagdan, ang nakita ko lang doon ay si kuya.

"Oh? Kuya asan si mama?" Tanong ko

"May meeting sila. Oh? Asan lakad mo?" Tanong nito

"Ahh. Pupunta lang ako kina, Ace."

"Di ba dapat sya ang pupunta dito?" Tanong nya.


Seriously?!

"Hindi ba pwedeng pati babae maging sweet? Iba kasi ako kuya." Sagot ko sabay lapit sa kanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Bye kuya. Alis na ko." Paalam ko

"Bye. Take care."

Hindi na ako nagpahatid kay kuya Mario kasi gusto kong mag commute.

I grab taxi. At sinabi ko na kung saang lokasyon.

Hindi ko na tinext si Ace na pupunta ako doon dahil. I want him to surprise. Gusto ko syang surpresahin.


"Ma'am dito na po tayo." Sabi ni manong driver kaya inabot ko na ang bayad ko.

"Salamat po." Ani ko tumango naman sya at lumabas na ako ng taxi. Kakatok na sana ako ng makita kong naka awang ng konti yung maindoor nila kaya binuksan ko na.

Sa sala, may dalawang bote ang andun yung isa medyo na bawasan pero yung isa hindi. Ang daming kalat.

"Ace?" Tawag ko

Walang sumagot kaya sinarado ko na ang main door nila at naglakad ako papuntang kwarto nya.

Pero bakit ganito?! Bakit parang may masama akong kutob?

Hay! Nevermind.

Wala ng katok, katok agad kong binuksan iyon at ngumiti ng kay lapad.



"SURPR---- ISE." Pahina ng pahina ang boses ko. Ako yata ang na surprise. Nakita ko sya, may kayakap na babae. Naka kumot silang dalawa.



***

"Nica. Gising na." Agad akong napa bangon at naramdaman kong pawis na pawis ako kahit todo na yung aircon at umiiyak na ako.

Nakita ko si kuya na alalang alala sa akin.


Hooohhh! Bad dream. A really really bad dream. Grabe nakakatakot naman yun.



"Bakit ka ba pinagpapawisan at umiiyak?! Narinig kitang humahagulhol kaya nagpunta na ako dito." Paliwanag ni kuya


Tumaya ako at kumuha ako ng face towel sa closet ko at pinunas iyon sa mukha at leeg ko.


"May napanaginipan kasi akong masama kuya. A really really bad dream." I said habang nagpupunas pa rin


Sya naman naka upo pa rin sa gilid ng kama ko. "What's your dream?!"




"Pumunta raw ako sa bahay nila Ace. And then sa sala nila may nagkalat na bote ng alak atsaka chichirya, mukhang walang tao kaya umakyat na ako sa kwarto nya at binuksan na yon. Pagka bukas ko nakita ko sya may kayakap na babae at naka kumot silang dalawa." Paliwanag ko



"Bad dream nga." Tumayo na sya at lumapit sa kin pagkatapos ay ginulo nya ang buhok ko. "Matulog ka na ulit." Sabi nya bago umalis ng kwarto ko





Ano kayang ibig sabihin ng panaginip ko?!







***


Kinabukasan.







*Beep beep*



Napabalikwas ako ng bangon ng tumunig ang cellphone ko, may tumatawag. Si Ace.



Pero ba't kinakabahan ako?! Bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko?! I mean, bumibilis naman talaga pero iba ngayon. Mas lalong bumilis.





Agad kong kinuha ang cellphone ko sa may side table ko at sinagot ko iyon.





"Hello?" Ani ko




["Hello, babe. Goodmorning."] Masayang bati nya sa kabilang linya.




Bakit parang kinutuban ako?!






"Oh? Bakit ka napatawag?"





["Bakit Galit ka? Bakit hindi mo ako tinatawag na, babe?"] Sabi nya gamit ang matampuhin nyang boses. ["Hindi mo na ba ako mahal?! May iba na ba?!"] Dagdag pa nya




"Wag ka ng magtampo, babe. Syempre mahal kita, sobra. Walang iba, ikaw lang talaga." Sabi ko, kung andito lang sya ngayon pinisil ko na yung mga pisngi nya.




["Okay sabi mo e. Tumawag nga pala ako kasi, magkita tayo SB may papakilala ako sayo."]





Ang kaninang kalmado kong tibok ng puso, bumilis nanaman. Ano ba toh?!




"Okay." Sabi ko bago binaba yung tawag

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon