Chapter 23 - Stay Away

387 13 0
                                        


Ace.

Naglalakad ako ngayon sa hallway, kakapasok ko lang sa loob ng school. 7:10 na kasi e. Na late ako.

Habang naglalakad ako nakita ko si Janica, na naka tayo habang kausap ang kuya nya. Naka talikod sya sa akin. Kaya dahan dahan akong lumapit sa kanya at inakbayan sya.

Halata namang nagulat sya sa ginawa ko. Alangan namang maging masaya sya?!

"Hi Janica..." Sabay tingin ko kay Jayden, naka ngiti lang ang
soon-to-be-bayaw ko.
"Yow, Jayden."

"Nica to see you too." Pang asar sa akin ni Jayden

"A-ah... i think i-i need to g-go now.." Nauutal na sabi nya sabay alis.

"Problema nun?" Tanong ko

"Ewan ko dun. Baka may topak nanaman. Naka poker face naman kasi e. Wala kang makikitang emosyon." Sagot ni Jayden


"Pero Jayden, napapansin ko...  parang iniiwasan ako ng... kapatid mo.." Pag amin ko, kumunot naman ang noo nya


"Ha? Pano mo nasabi?" Takang tanong nya sa akin.



"Kasi iniiwasan na talaga nya ako e. Sa tuwing lalapit ako sa kanya.. lalayo sya. Ano bang problema nya? At umiiwas sya sa akin?" Tanong ko.



Tinap naman nya ang isang balikat ko. "Baka hindi naman sya umiiwas sayo, Ace. Malay mo nagmamadali lang o di kaya may gagawin. Kaya wag ka masyadong mag isip nang ganyan. Okay?" Paliwanag nya.



"Okay, thanks dude." Sagot ko sa kanya at ngumiti



Swerte ko talaga dahil may bayaw akong-- este may kaibigan akong ganito. Yung tutulong sa akin.



"Sige, una na ko. Ace ah? Wag mong masyadong isipin yun, ganun lang talaga yun moody." Pag coconvince nya sa akin at naglakad na palayo habang kumakaway.



Kaya tumugon na rin ako sa pagkaway sa kanya. "Salamat ulit, Jayden." Ani ko at naglakad na papuntang room namin.




Baka tama nga si Jayden. Baka meron lang gagawin si Janica o di kaya busy lang. Wag kang masyadong mag iisip nang kung ano ano, Ace. Pinapa kaba mo lang sarili mo.



Nang nasa tapat na ako nang pinto ay pilit akong ngumiti para mabawasan ang pag aalala ko.



Naglakad na ako papuntang upuan ko at nilapag na ang bag pack ko sa arm chair ko. Nakita ko naman sa tabi ko si Janica na nagbabasa nang libro habang may naka lagay na headset sa tenga nya. Napapa ngiti na lang ako kasi hanggang ngayon nabibighani pa rin ako sa ganda nya. Kahit na walang kaemo- emosyon yung mukha nya ang ganda nya pa rin.



Nilingon ko naman ang upuan ni Hazel pero wala pang ano mang gamit dun kaya siguro wala pa yun dito o nakipag date sa boyfriend nya.



Umupo na ako sa tabi nya at tiningnan ko lang sya.



"Problema mo?" Walang ganang tanong nya.




"Ikaw. Ikaw ang problema ko." Sagot ko habang naka tingin pa rin sa kanya.




Bahagya nyang tinanggal ang isang headset na naka lagay sa tenga nya at sinara ang libro nya bago tumingin sa akin. Yung mukha nya wala pa ring pinag bago, wala pa ring emosyon.



"Ha? Anong sabi mo?" Tanong nya.



"Sabi ko. Ikaw. Ikaw ang problema ko." Sagot ko ulit




Napa kunot naman ang kilay nya at naka taas ang isang kilay nya. "Anong ako?! Pano mo ako naging problema?! E wala naman akong ginagawa sayo." Pagsusungit nya sa akin.




Kahit kailan ang sungit talaga nang babaeng toh. Ewan ko ba! Pano ko naging mahal toh.



"E kasi naman, napapansin ko iniiwasan mo ako." Pag didiretso ko sa kanya




Nanlaki naman ang mga mata nya sabat iwas nang tingin sa akin. See? Sabi sa inyo e. Umiiwas sya sa akin, kasi kung hindi, hindi naman sya iiwas nang tingin sa akin.



"H-hindi a- ah. H-hindi kita i-niiwasan.... m-may gagawin lang kasi t-alaga ako." Sinasabi nya yan habang hindi naka tingin sa akin.



"Oh sige." Sagot ko sabay harap sa white board.






***



*Kring- kring*



"Okay. Class dismissed." Sabi nung sir namin.



"Woooh!"



"Yessss!"




"Salamat!"



"Tara bess, lunch na tayo."



"Sige. Tara na."



Dahil lunch break na nagsisipag ayusan na kami nang gamit para mailagay na namin sa bag namin.



"Tara lunch na tayo?" Pag aya ni Hazel sa amin.



"Oh? Kamusta na kayo nang McDo mo?" Natatawang tanong ko kay Hazel, maasar nga. Haha.



"Hoy! Grabe ka naman, Ace--"



"Ahm, guys. Mauna na ako sa cafeteria ha? Sigr magkwentuhan muna kayo ah?" Singit naman ni Janica sabay lakad palayo.



"Janica!!! Sandali!!! Sabay na tayo oh!" Pag tawag ni Hazel kay Janica.



Pero hindi na nya naabutan si Janica dahil naka labas na ito nang room.



"Problema nun?" Tanong ni Hazel sa akin kaya nagkibit balikat na lang ako.




Last warning na ah. Para mapatunayan kong umiiwas talaga sya.



***



*sa cafeteria*



Sabay kaming naglakad ni Hazel papuntang cafeteria dahil nauna na yung tatlo sa amin. Tahimik lang kaming naglalakad. Hanggang sa marating nanamin ang cafeteria.



Inilibot namin ang paningin namin sa buong cafeteria hanggang sa kumaway si Harvey kaya naglakad na kami papunta sa upuan nila.



Magka tabi sina Jayden at Harvey habang nasa harapan naman nila si Janica. Na nagcecellphone lang.



"Oh, Ace. Dyan ka na lang sa tabi ni Janica. Kasi dito na lang sa tabi ni Harvey si Hazel." Sabi ni Jayden kaya tumango na lang ako. Umupo na ako sa tabi ni Janica nang biglang....



"Kuya palit tayo mahina ang wifi dito e." Sabi ni Janica sa kuya nya.



"Pero---"



"No buts kuya. Tara palit na tayo nang pwesto." pangungulit ni Janica sa kuya nya kaya walang nagawa si Jayden kundi ang sumunod.



"Iniiwasan ka nga nang kapatid ko, Ace." Bulong ni Jayden sa akin

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon