Chapter 17

411 12 0
                                    

Ace.

Takte! Talaga bang namula ang mga pisngi nya kanina? Hindi ako maka paniwala. Kinikilig ba sya sa sinabi ko?

Eh kasi totoo naman eh! Hindi naman talaga ako naka tingin sa kanya. TITIG! OO TITIG TALAGA.

Baka nga na malik mata lang ako kanina! Hindi dapat ako masyadong umaasa dahil masakit kapag umasa ka sa wala di ba? Takte! Humuhugot na rin ba ako? Hays, kalalaki kong tao eh. Humuhugot na! Saan ko kaya nakukuha yun ah?!

Naglakad na ako palapit kay Janica para sa gagawin namin, pumayag ako dun kaai mas gusto ko syang matagal na makasama.

"Mukha namang walang gumagala ngayon." Sabi ko, nung maka abot na ako sa kanya.

Tumingin sya sa akin,nang walang ekspresyon ang mukha nya. "Wag kang pasisigurado." Sagot nya at ibinaling na ang tingin nya sa daan.

Tama nga ako, baka namamalik mata lang ako kanina.

Ano ba yan? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Takte! Parang may karera ha? Hayaan nyo pupusta ako.

Sandali, baka kailangan ko na talagang umamin. Para sa nararamdaman ko kay Janica. Sana lang wag nya akong layuan.

"Janica?" Tanong ko,nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Tumingin ako diretso sa mata nya nung tumingin sya sa akin.

"Hmm?" Sabi nya

"Umm...kasi m-may sasabihin sana ako" Takte! Nauutal ako! At may pawis na sa noo ko. Paano ba yan?

"Ano ba yun?" Naka kunot noong tanong nya.

***Jayden Point Of View***

Hay ang aga ng uwian ngayon ah! Wala kasi yung 3 teacher namin, akalain mo ba naman sabay sabay pang wala.

Yung isang teacher kong babae may sakit, yung dalaga naman na teacher may date daw, pero yung pangatlo yung lalaki ewan ko dun!

So ang resulta! WALANG PASOK!
Pero potek wala akong magagawa sa bahay pag umuwi ako, pero pag pupunta naman ako ng opisina ni mommy sigurado ako na maraming ipapagawa si mommy. Hindi naman sa ayaw kong tumulong eh kaso lang tinatamad lang akong gumawa ngayon nyan! Hay ano ba yan!

"Siomai naman" sigaw ko

"Pre, gusto mo ng siomai" sabi ni Jhune, si Jhune pala ay kaklase ko. Nasa cafeteria kami ngayon.

Binatukan ko nga, "Hindi ako gutom,ulol" sigaw ko sa kanya

"Di ba,dapat ulo hindi ulol." Singit naman ni Fred.

Kumuha ako ng plastic bottle na walang laman, atsaka ko binato kay Fred. Ang lakas talaga ng imagination nila noh! Mga siraulo!

"Araaaayyyyyy! Bakit ka nambabato?!" Sabi nya habang hinihimas himas ang noo nya na tinamaan ng plastic bottle.

"Hahahhahahahaha" tawa ni Jhune sabay hawak ng tyan.

"Siraulo ka kasi! Ulol ang sinabi ko ginawa mong ulo. TANGA!" bulyaw ko

"Sorry boss,sorry. Pasensya" Fred

"Hahahahaha" Jhune

Nababaliw na ba itong si Jhune?! Bakit tawa na tawa?

"Hoy! Tinatawa tawa mo dyan?" Sabi ko.

"Haha,kasi naman" sabi nya habang tumatawa pa rin.

"Eh kung ubusin mo kaya yung tawa mo, ha?" Fred

"Tanong ko lang, mauubos ba ang tawa? Fred?"

"T*rantado!" Sigaw ni Fred

Bago pa magka initan, nagsalita na ko. "Bakit ka ba kasi tumatawa?" Tanong ko at sumandal sa upuan na nasa likod ko.

"Tsss....may saging kasi sa ulo ni Fred. Hahaha!"

Tumingin ako kay Fred, at tama nga si Jhune, may balat nga ng saging sa ulo ni Fred.

"Hahahahaha"

"Hahahahaha"

Lintek! Haha parang unggoy ang gago! Haha! Parang unggoy na hinahanap ang saging nya, pero wala syang kamalay malay na ubos na pala! Haha! Lintek!

"Kayo ha! Mga hinayupak kayo! Pinag tritripan nyo ako! Di hamak na mas gwapo ako sa inyo." Sabi ng gagong si Fred! Psh.

"Ay tanga! Jayden paki gising nga, hindi ko napansin na tulog pala ito. Pero ang pinagtataka ko lang, tulog pero naka bukas ang mata!" Sagot naman ni Jhune na ikinatawa naming dalawa

"Pero sa ating tatlo! Kilala nyo naman na siguro kung sino ang pinaka gwapo dito." Dugtong nito, dinampot ko ang plastic bottle na ginamit ko kanina sa pag bato kay Fred. "Ang nag iisang Jhune Ale---" hindi na nya natapos ang sinasabi nya dahil tinapon ko na ito sa kanya. Kaya ayun sa noo rin sya natira.


"SAPUL" pang asar na sigaw ni Fred kay Jhune

"Kung may gwapo man sa ating tatlo? Huh! Wala nang pagdududa makikita na kasi agad ang ebidensya eh! Sorry na lang kay---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may magliparang dalawang plastic bottle papunta sa noo ko! Ang masaklap may laman pang tubig! Lintek! Ang kagwapuhan ko kinakawawa!

"SAPUL" sabay nilang sabi

"Maka alis na nga letse" naglakad na ako palayo pero hindi pa man ako masyadong nakaka layo ay tumigil muna ako at humarap sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin habang naka poker face. "Pero talagang pasensya na talaga ah! Sa akin at sa pangalan ko lang kasi tumugma at tutugma ang salitang gwapo eh." Pahabol ko atsaka kumaripas ng takbo pero bago pa man talaga ako maka layo sa kanila ay may nag liparan na ulit na plastic bottle. Perp naka ilag din naman ako.

Hindi rin naka ligtaa sa pan dinig ko ang mga katagang.....

"T*rantado" sabay nilang sigaw.

***

Kasalukuyan akong nandito sa kusina upang kumuha ng tubig nang bigla na lang may nag doorbell.

Wala akong kasama dito sa bahay ngayon dahil ang dalawang kasambahay namin ay nagbakasayon. Kaya naman kasi namin na walang kasambahay eh! Ewan ko ba naman.

*Dingdong*

Sino ba naman yan! Imposible namang si Nica dahil 9:16 pa lang.

Naka kunot noo akong pumunta sa main door atsaka ito binuksan.

Nakita ko si Dennise sa labas ng gate ng bahay namin. Kahit nagtataka ay naglakad pa rin ako palapit kung saan ang kinaroroonan nya.

Ang daming emosyon ang nasa akin ngayon, pero dalawa ang nangunguna sa lahat ng emoayon ko. Yun ay ang pagka sabik at paglilito.


Pagka sabik, dahil nakita ko syang muli. Nandito sya ngayon,sa harap ko. Hindi ako nagkaka mali, nasa harap kong muli ang babaeng mahal ko at mananatiling mamahalin ko.

Pagka lito, dahil hindi ko alam kung anong sadya nya dito.Maaaring magandang balita o  masamang balita ito. Pero kahit na anong gawin ko ay nangunguna pa rin ang katotohanang mahal ko sya, mahal na mahal.

Nang maka lapit na ako sa kanya ay agad kong binuksan ang gate at tumingin diretso sa mga mata nya. "B-bakit ka andito?" Nauutal kong sambit

Ngumiti ito sa akin, ngiting may halong kalungkutan. "Maaari ba tayong mag usap?"

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon