Chapter 16

446 16 1
                                        

Nica.


Jusme! 6:30 ako nagising nayon ah! Ang aga aga, oo tama kayo maaga para sa akin ang 6:30. Bakit? Kasi kadalasan nagigising ako ng 9:00,8:00,10:00 pero ang pinaka maaga ko ay 7:00. Kaya nga medyo nangibago ako ngayon eh kasi 6:30 gising na k---

"Wow ang aga naman natin ngayon mahal na prinsesa."nakaka lokong sabi ni kuya, nasa kusina ako ngayon kasama si kuya. Si mommy? Maagang umalis may meeting daw kasi eh.



"Kaya nga eh kuya,naka pagtataka ang aga kong nagising ngayon!" Hindi lang kasi talaga ako sanay na magising ng maaga,naninibago nga ako sa sarili ko eh




Hinila ko ang upuan na nasa tabi ni kuya at umupo para saluhan sya sa pagkain. "Anong oras ka ba natulog kagabi?" Tanong nya habang ngumunguya pa



"Hmm, 10:00?" Patanong na sagot ko



"Ang aga mo naman palang natulog kaya maaga ka ring nagising" sagot nito.




Yess tama kayo! Maaga para sa kin ang 10:00 sa pag tulog. Bakit? Kasi halos 1:00 na ako nakaka tulog kada gabi. Adik kasi ako kakabasa ng wattpad hehe.



"Ayy oo nga nuh kuya. Ngayon ko lang yan naisip, ang aga ko pa lang natulog" sagot ko







***






"Janica? Talaga bang loyal si Ace?" Kinikilig na sabi ni Hazel, sinabi ko na kasi sa kanya yung nangyari kaya ayan halos mag gimmie gimmie at mag harlem shake na sya dito sa room.




"Oo nga ang kuli---" naputol ang sinasabi ko ng may biglang nag salita galing sa likuran






"Oh! Hi Hazel,hi Janica" naka ngiting bati ni Ace sabi kaya ngumiti din kami, atsaka tumango ako.




"Stop calling me Hazel,just call me Zel na lang because it was my nickname" wow ah! Bukod sa amin nila Harvey at kuya. Wala ng ibang nagtatawag sa kanya ng ganyan.




"Ok Zel" naka ngiting sagot ni Ace habang naka tingin sa kin




"Yuhooooo" sabi ni Hazel habang winawagayway nya ang kamay nya sa tapat ng mukha ni Ace




"Huh? Bakit Zel may kailangan ka ba?"




"Wala naman. Kaso ako ang kausap mo pero naka tingin ka kay Nica." Pang asar na sabi ni Hazel at naglakad papunta sa tabi ni Ace




Nang makalapit na si Zel kay Ace ay agad na siniko ni Hazel si Ace.




Meron ba silang sikreto na hindi ko alam? Bakit hindi ako updated? Atsaka na papansin ko lang ah parang iba kasi yung mga tingin sa kin ni Ace kapag kami na yung mag ka harap. Hay naku basta bahala na.





Itinaas ko ang isang kilay ko at nag cross arms pa ako. "Wala ba kayong balak na umupo dyan na dalawa? Usong umupo." Mataray na sabi ko, nagsi upuan naman silang dalawa sa upuan nila at tamang tama naman dahil biglang nag ring ang bell,na naghuhudyat na kailangan ng mag simula ng klase.




Mabilis akong tumingin kay Ace na hindi pa rin binababa at tinatanggal ang naka cross arms kong kamay at naka taas na isa kong kilay. "Wala ka bang balak tumayo? Ace? Kasi may gagawin pa po tayo." Mataray ko ulit na sabi





Dali dali itong umayos ng tayo at humarap sa kin. "Yes ma'am,lets go" masayang sabi nito atsaka ako inakbayan






"My gosh! Sila na ba ni president?"






"Ewan pero bagay naman silang dalawa,maganda at gwapo,parehas na matalino at president at vice-president ng student council."





"Tama ka dyan girl bagay sila."






Tyumatyansing itong lalaking to ah! Humo-hokage moves pang nalalaman.




Mabilis kong tinanggal ang pagkaka akbay sa akin ni Ace at nag simula na akong mag lakad papuntang office namin para kunin ang mga kailangan namin ni Ace.






What the fuge?! Ano bang problema nya? Hindi ba sya nahihiya? Oh talagang makapal lang ang mukha? Hayyyssssss.











***Ace Point Of View***




Napa iling at napa ngiti na lang ako sa pag walk out at pag alis nya sa kamay ko na naka pulupot sa braso nya kanina.





Hindi ko lang kasi napigilan yung mga kamay ko para bang kusang gumalawa para umakbay sa kanya. Nagulat pa nga ako sa ginawa ko eh! Tanong ko lang ah,wag nyong mamasamain. May utak ba ang kamay at bibig?




Hays, nag simula na akong mag lakad para sundan si Janica nasa tapat na ako ng pinto ng bigla na lang itong bumukas at nakita ko doon ang naka tayong magandang dilag sa pintuan. Napa nganga na lang ako kaai para bang nag slow motion ang mundo ko kanina! Pakshet! Nakaka bakla!






"Tapos mo na ba akong tingnan  Mr. Jimenez?" Naka taas kilay na tanong nya.





"Hindi kita tinitingnan ah."



"Kung hindi mo ako tinitingan eh anong ginagawa mo at naka tingin ka sa kin?" Mataray na tanong nanaman nya.





Bakit kaya ang hilig mag taray ng mga babae noh? Wala namang ginagawang masama ang mga lalaki eh magagalit na ang babae ng walang dahilan. Hay minsan o parati talaga napaka abnormal ng mga babae noh?! Tulad ng.....




"Ace?"




Abnormal na kagandahan,abnormal na kasipagan,abnormal na katalinuhan. Lahat na! Takte






"Mr. Jimenez?"





Bakit ba kasi na inlove ako sa isang babaeng, hindi sa nang bubully ako pero ito talaga yung nakikita ko sa kanya eh.



Una: Napaka mataray nya ewan ko ba kung sa lahat pero paminsan minsan sa akin.






Pangalawa: Napaka yaman nya para sa kin. Kaai tingnan nyo naman langit sya lupa ako eh di ba?




"Ace Jimemez?"






Pangatlo: She dont deserve me. Hindi ako yung taong nararapat sa kanya, hindi ako kasi hindi ako mayaman.





"Mr. Ace Jimenez?" Sigaw nya. Bakit ba sya sumisigaw eh tapat nya lang naman ako.








"Huh?"




"Kanina pa kita tinatawag eh, masyado ka naman atang bingi? Kailangan mo ata ng cotton buds eh? Okay eto na yung sinasabi tinatanong ko kanina. Kung hindi mo ako tinitingnan bakit ka naka tingin sakin?!" Tanong nya ulit sa kin.







Bakit ba sobrang ganda nya?









"Hindi naman kasi kita tinitingnan." Sagot ko




"Eh ano?" Pangunglit nya sa akin. Habang nilagay na nya ang mga kamay nya sa bewang nya kaya ang resulta naka pameywang sya.






"Hindi kita tinitingnan kasi,tinititigan kita." Sabi ko habang naka tingin ng diretso sa mga mata nya.





Naglakad na sya palayo sa kin. Hindi man lang nya ako hinintay pero may napansin ako bago sya tumalikod sa kin at naglakad...











Namula ang mga pisngi nya!

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon