Nica.Hays! Walang pasok ngayon kasi Sabado kaya walang magawa dito sa bahay. Parang gusto kong gumala ngayon ah.
Agad akong naligo at nagbihis.
"Kuya alis muna ako ha?" Sabi ko kay kuya, nasa sala kasi sya nanunuod nang t.v
"Saan ka pupunta?" Tanong nya
"Dyan dyan lang! Basta."
"Sama ako." Akmang tatayo na sya nang pigilan ko sya
"No need. Gusto kong mapag isa."
"Are you sure?"
Tumango lang ako sakanya hudyat na 'oo'
"Okay! Just take care of yourself, bye and i love you."
"I love you too." Wika ko at umalis na
Wala akong magawa kaya dumeretso na lang ako sa starbucks.
Nag order lang ako ng Chocolate Dipped Donut and Cold Mucha.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Pang dalawahan yung table eh! Yun na lang ang inupuan ko wala naman na kasing bakante.
"Ahm, miss pwedeng maki upo?" Sabi nung babae. Nagce cellphone kasi ako kaya naka yuko ako. Pero alam ko babae sya boses pa lang.
Ini angat ko ang ulo ko para makita ko sya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si....
"Gina?" Tanong ko, i was really shock. Ngumiti naman sya at tumango.
"Ikaw pala yan. Janica. Pwede bang maki upo?" Tanong nya.
Tumango lang ako. "Kamusta?"
"Ok lang naman ako, ikaw?" Tanong ko
"Ayos lang din naman. Hindi ka nakaka tawag ah!"
Nung hiningi ko kasi number nya hindi ako nakakatawag dahil nahihiya ako! Syempre tatanungin mo ba naman si Ace.
"Ahh! Oo nga eh. Nahihiya kasi ako." Sagot ko.
She chuckled, "Wag kang mahiya. Eh ano ba yung itatanong mo sana?"
"Umm, gaano na katagal nagd dj si Ace?" Nahihiyang tanong ko
"Ahm, kilala mo sya?" I nodded "Mga.... Two years?"
Matagal tagal na rin pala.
"When he was sixteen years old nagsimula na sya. Parang ako lang rin, pero mas nauna ako ng ilang months. Nagulat nga ako nun eh, kung paano sya napasok dun. Kasi yung manager doon ay tito ko. Sa kanila ako nakatira eh simula nang mamatay si papa at iniwan kami ni mama, gusto sana nila akong ipag aral nang libre kaso ayaw kong maging pabigat sa kanila kaya naghanap ako ng trabaho, pero sabi nang tito ko wag na lang kaso, i insist. Kaya tinanong nya ako kung gusto kong mag dj. Pumayag ako. By the way. Sabi nang tito ko kaya daw nakapasok si Ace kasi naglalakad daw ang tito ko nun papuntang parking lot nitong starbucks, may dala daw syang bag na may lamang pera naka sabit sa shoulder nya pero sa kakahalungkat ng cellphone nya sa bulsa nya may naka kuha ng bag nya then nagulat na lang sya nung ibalik ni Ace yung bag nya hindi nga daw alam kung paano nya nakuha yun eh. Tinanong niya kay Ace kung anong pangalan nya, saan sya nakatira, at kung nag aaral ba sya. Ang sabi ni Ace kailangan daw nya ng trabaho para may maging baon sya sa pasukan at may maibigay na pera sa mama nya, kasi ang nanay nya ay labandera and his dad is nasa abroad nag papadala naman yung papa nya mga two months. Kaya nga pinag iigihan daw nya yung pag aaral nya para maka bawas ng gastos kaya ayun dahil sa sikap nya naging scholar sya. Yung pinapadala kasi ng papa is pagbayad sa renta bayad dun sa pag aaral nang dalawa nyang kapatid at pang araw araw na rin. Kaya dahil dun pinasok sya ni tito, kasi yung sitwasyon nya at pagpapasalamat na rin." She smiled at me kaya ngumiti na rin ako.
Grabe naman pala si Ace!
"Kaya ngayon, nabili na nila yung nirerentahn nilang bahay kasi naka luwag luwag yung papa nya. Dahil sa kanya."
"Ahm, Gina one more question." I said
"Sige lang, ano ba yun?" Tanong nya at uminom sya nang kape.
"Nabanggit nya ba sayo si Angel?" (A\N: naaalala nyo pa po ba si angel? Kung hindi na back read po tayo sa CHAPTER 15)
"Yes, his bestfriend?"
"Yes."
"Yeah. May nakuwento sya yung nawala nang parang bula. Masakit yun syempre iwan ka ba naman nang taong gusto at bestfriend mo!"
"Masakit nga yon."
"Pero alam mo ba nun, nakita ko na yon. Minsan kasi pinakilala ako ni Ace dun eh. Nung 4th year highschool sila. Alam mo ba, kahawig mo sya. Nung nawala si Angel kay Ace hindi ko na sya nakikitang ngumiti, well ngumingiti at tumatawa nga sya pero halatang peke. Parati syang wala sa sarili minsan nga nag lasing yan eh. Ayaw nyang ipauwi sya sa bahay nila kasi papagalitan daw sya nang mama nya. Kaya dun sya natulog sa radio station. May room kasi dun eh. Pero alam mo simula nung dumating ka, unti unti syang nagbago, i mean unti unti syang bumalik, bumalik yung ngiti nya, bumalik yung tawa nya, at hindi yun peke ah. You change him a lot, at ang nasa isip ko nun kaya mo sya nabago dahil he likes you. Or should i say he loves you."
Natigilan ako. What? He loves me? Ako rin i love him too.
But. What? Did i say that I love him too?
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Teen FictionSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?