Chapter 24 - Revelation

367 12 0
                                        


***Ace's Point Of View***


(Playing: Pagdating ng Panahon by: Kathryn Bernardo -Cover-)

Hindi na ako makatiis na iniiwasan nya lang ako, ayaw ko na, ayoko na na parang ginagawa nya lang akong hangin. Yung paglalapit ako sa kanya magdadahilan sya para maka alis sya.

Ano bang problema? At naisipan nyang iwasan ako? May ginawa ba akong masama? Sa pagkaka tanda ko, wala naman ah. Bakit nya ako pinapahirapan nang ganito?

Oo nahihirapan na ako! Nasasaktan rin ako mahirap kasi nabinabalewala ka lang nang taong mahal na mahal mo. Oo, alam ko nakaka bakla pero yun ang nararamdaman ko! At hindi nyo ako masisisi kung bakit nagkaka ganito ako.

Buo na ang pasya ko. Ang pasya kong kausapin na sya ang komprontahin sya. Dahil sobrang nahihirapan na ako. Tatlong linggo, tatlong linggo o isang buwan na nya akong iniiwasa. Ramdam at nakikikita ko yun.

Naglalakad ako patungong cafeteria, i need to talk to her. Right now.

Agad kong nilibot ang paningin ko sa buong sulok nang cafeteria pero ni bahid na andito sya ay wala, wala sya rito. Tanging mga kaibigan mga lang namin at kuya nya ang andito. Kaya agad akong lumapit patungo sa kinaroroonan nila.

"Yow! Man!" Bati agad sa akin ni Harvey sabay apir namin.

"Oh? Kain na!" Pag aya naman ni Hazel ngunit umiling lamang ako.

"Bakit? Hindi ka kakain, Ace?" Tanong naman ni Jayden

"Kailangan kong kausapin si Janica." Agad kong sagot.

"Teka! Ace, hindi naman sa nangingialam ako pero mangingialam na ako...." Ani ni Hazel kaya binatukan sya ni Harvey.

"Pinahaba pa e."

"Eh bakit problema mo?"

"Pinahaba mo pa e. Mangingialam ka rin naman pala."

"Eh bakit ba?"


"Hoy tama na yan." Awat naman ni Jayden sa kanila kaya tumigil na silang dalawa sa pag babangayan pero hindi pa rin nawawala ang masasamang tingin nila sa isa't isa. Isip bata talaga oh!

"Ano ba kasing itatanong mo sa akin, Hazel?" Atat na atat na tanong ko.

"Napapansin ko lang kasi bakit parang iniiwasan ka ni Janica? Bakit paglalapit ka lalayo sya?" Takang tanong nito sa akin.

Sabi ko na nga ba e. Mahahalata't mahahalata nila yun. Pasensya na nadadamay pa sila.


"Pasensya na, hindi ko rin masasagot ang tanong mo, Hazel. Kaya ko nga hinahanap si Janica sa inyo kasi itatanong ko rin sa kanya yun." Sagot ko.

"Nabanggit ni Janica na pupunta daw sya nang garden nang school." Sagot naman ni Jayden kaya napa tingin ako sa kanya at ngumiti, ngumiti rin sya pabalik.

"Goodluck, dude." Pagche cheer up naman ni Harvey kaya nginitian ko rin sya at tumango.

"Salamat." Ani ko bago tumakbo palabas nang cafeteria.


Tinakbo ko na papuntang garden at hindi nga sila nagka mali dahil naka upo sya sa isang malaking bato doon habang naka tulala sa kawalan.

Agad akong naglakad para lumapit sa kanya. Naramdaman ata nya ang presensya ko kaya agad syang tumayo at humarap sa akin. She smile weakly at me.

Ms.Bitter Meets Mr.DJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon