Nica.Palagi na kaming nagkikita nina Christian at Ace!Ewan ko ba kung bakit kami nagkakasama ng ganito?ughhh i hate this
"Nica,alam mo ba parang pinaglalaruan kayong tatlo ng tadhana!" Ani Hazel naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang room
"Tadhana?what's that?" Tanong ko habang naka taas ang kilay
"Oo nga pala naka limutan ko bitter ka! Tadhana parang destiny ganun"
"Ugghhhh! Hindi totoo yang destiny destiny na yan!Naniniwala ka kasi dyan!" Pataray kong sabi
"Syempre naniniwala ako! Nakakalimutan mo na ba na hopless romantic ako?" Pataray rin na sagot nya
"Wala kang mapapala dyan sa pagiging hopeless romantic mo!" Suggest ko
"Wala para sayo kasi bitter ka Nica,BI--TTER" sagot nya nasa tapat na kami ng room wala pa naman ang prof namin kaya ayon ang gulo nila,nagbabatuhan pa sila ng papel parang high school lang ganun!
"Magsitigil nga kayo! Nandito na ang Student Council President at walang kwentang secretary!" Ani Jessy na nakatayo sa gitna,nagsitigil naman ang mga kaklase ko sa ginagawa nila
"Anong sabi mo?" Hazel na halatang nagagalit na,isinara nya ang dalawang kamao nya
"Walang kwentang secretary! Bakit akala mo igagalang kita?Huh!Asa ka!" Sagot nito na naka cross arm pa
Lalapit na sana si Hazel kay Jessy pero hinawakan ko ang braso nito na naghuhudyat na 'ako na ang bahala'. Tumango naman ito!
"As the Student Council President,don't even try to touch our secretary! Understood?" Pasigaw kong sabi
"Yess President Janica" sagot nilang lahat pati na rin si Jessy
"Madali naman pala kayong maka usap eh" sagot ko at hinila na si Hazel papunta sa upuan namin.
"Where is Ace and Chris--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may nagsalita
"student council president and secretary! Pinapatawag po kayo ni teacher Joanne!" Sagot ng 1st year college na lalaki,hingal na hingal ito habang nag sasalita naka lagay ang dalawa nitong kamay sa tuhod into
Tiningnan ko muna ang mga kaklase ko,naka tingin din sila sa akin.Tiningnan ko rin si Jessy ng masamang tingin bago umalis.
"Hazel halika na baka hinahanap na tayo" sabi ko sa kanya tumango lang ito at naglakad na run
"Hali po kayo,sundan nyo na lang ako Ms.Student Council President" naka ngiting wika nito ngumiti na lang ako at tumango
"Nica,back tayo sa pinag uusapan nation kanina" sabi into tumingin ako sa kanya ng naka taas ang isang kilay
"Ano yun?" Tanong KO
"Yung.....tadhana thingy" sagot nito
Tumingin ako sa harap,"Para sa kin walang tadhana,walang destiny"sagot ko
"Psh yan ka nanaman"
"Totoo naman ah,kasi walang permanente sa mundo! Mag brebreak at mag brebreak din sila,kaya walang tadhana"
"Eto naman masyadong bitter porket naka buntis lang yong magaling mong ex" sabit nito,"Pwede bang magmahal ka ulit? Wag mo namang sanang isara ang puso mo kasi nasaktan ka dati! Tandaan mo maraming matitino dyan na lalaki.Tulad ni......"
"Tulad ni?" Ano ba naman pabitin naman itong si Hazel
"Tulad ni.....ano....ni A--" hindi na nya natulay ang sasabihin nya ng biglang nasalita yung 1st year college sa harap namin
"Andito na po tayo,pasok na lang po kayo hinihintay po kayo ni Teacher Joanne atsaka yung dalawa pong Student Council Vice President. Sige po mauna na po ako" sambit nito kumaway pa sya at naglakad na palayo sa min.
Tiningnan ko naman si Hazel at tumango,Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ng STUDENT COUNCIL at sumilip.
"Ms.Janica Lopez and Ms.Hazel Ramos,tuloy kayo" sabi ni teacher Joanne
Binuksan ko naman ang pinto at tumulot na sa loob kasama si Hazel. Nakita ko si Christian at Ace na nasa table nila. Tumingin sila sa min at ngumiti kaya ngumiti din kaming dalawa ni Hazel.
"Upo na kayo sa mga pwesto nyo" teacher Joanne,nasa gitna ang table ko.Nasa right ko si Ace at nasa left ko naman si Christian habang si Hazel naman ay sa tabi ni Christian.
"Ano pong meron teacher Joanne?" Tanong ko nasa gilid ang table nito at may sofa pa kami dito meron ding refrigerator may flat tv na naka sabit sa pader,may water dispenser,at may aircon pa.
"Ummm,bilang Student Council President ka Ms.Janica Lopez,ikaw ang titingin ng mga bata sa school.Kung may studyante na naglalakad lakad kahit na oras ng klase.At kung iba't iba pang paraan na hindi dapat gawin bilang estudyante" binuksan nito ang drawer nya at may nilabas na isang malaking notebook,naglakad ito palapit sa kin at inilapag sa table ko ang notebook na iyon."Meron ng 1st warning,2nd warning at 3rd warning dyan lagyan mo na lang ng check kung may nakita kang mali nilang ginagawa.Naka sulat lahat ng pangalan dyan sa notebook na yan.Ummm mga college students na pangalan lang ang naka sulat dyan dahil may schedule na dyan.Ikaw na bahala Ms.Lopez,makaka asa ba ako dyan?"tanong nito
Ano ba yan?so hindi ako makakapag aral ganon?ano ba naman ito,sana hindi na lang ako nanalo!
"Ummm teacher Joanne?"
"Yess?"
"Paano po ang mga studies ko?"
"Kami na ang bahala doon"
"Ah sige po. Tatanggapin ko na po ito" sagot ko sabay ngiti
"Hmmmm?kaya mo bayang mag isa Ms.Lopez?" Sabi nito naka lagay ang isang kamay nito sa baba nya. Nag iisip siguro sya ng dapat gawin.
Hmmm?sa tingin ko hindi ko ito kaya na mag isa pero baka naman mawalan ng tiwala sa kin si teacher Joanne.Sige na nga sabihin ko na lang.
"Sa totoo lang po,parang kailangan ko po ng kasama! Pwede naman pong si Hazel na lang" sabi ko,binigay ko lang naman ang opinyon ko ah!
"No,hindi pwede si Ms.Ramos kasi may ipapagawa ako,sino bang pwede?" Sagot nito sabay tingin kay Ace na naka poker face lang habang nakikinig naka sandal pa ito sa upuan nya.
"Well i guess si Mr. Jimenez na lang" sabi nya na ikina laki ng mata ko tumingin ako kay Ace at nanlaki rin ang mga mata nya sa sinabi ni teacher Joanne
"Ok i'll take that" sagot ni Ace tumingin ito sa kin at ngumiti.
"So wala na pala tayong problema sa inyo" sabi ni teacher Joanne naglakad na ito papunta sa lames nya,"You both will start tomorrow,okay?"sambit nito
No choice kaya,"Yes,teacher Joanne"sabay naming sagot ni Ace.
BINABASA MO ANG
Ms.Bitter Meets Mr.DJ
Dla nastolatkówSa tingin nyo ba,mababago ng isang tao ang bitter? Mababago ba nya ang isang babaeng takot ng mag mahal ulit?